Chapter 32

37K 534 92
                                    



WARNING: BAWAL SA BATA. I REPEAT BAWAL SA BATA.



[Ashley POV]



Naglalakad lakad kami ni PJ sa mall, wala lang napag isipan lang naming lumabas. Nabobore raw kasi siya sa bahay saka para marelax naman daw kami kahit konti medyo nakakastress naman kasi talaga ang mga nangyari kahapon. Oo nga pala, hindi na siya pumunta ng hospital ngayong araw, buong hapon siyang nakalingkis sa akin, hanggang ngayon, naglalakad lang naman kami pero heto siya at nakayakap sa bewang ko ang isang braso niya. Para namang mawawala ako nababaliw na talaga siya. Poging baliw!




"Siguraduhin mong ako ang iniisip mo.."



Napatigil naman ako sa pagngiti nang bumulong siya sa akin. Napalingon tuloy ako sakanya.



"Oh ano naman ngayon kung hindi ikaw iniisip ko?" Pagloko ko sakanya.



"Ts.."



Ayan nanaman siya sa pagiging seloso niya. Nangingiting napatingin nalang tuloy ulit ako sa dinaraanan namin. Pero agad din lang namang napawi ang ngiti ko nang may ibulong siya sa akin.



"Mamaya.. mamaya talaga.." Mahinang sabi niya pagkatapos ay kinagat niya ang tenga ko.



Ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko sa ginawa niya. Naeeskandalong tumingin tuloy ako sa paligid. Juskong lalaking to! Mabuti nalang walang nakapansin nakakaloka!



Tiningnan ko siya ng masama saka ko siya kinurot sa may tagiliran pero ang mokong tinawanan lang ako!



"Nakakaasar ang pilyo PJ ha.." Mariing sabi ko sakanya pero tinawanan niya lang ulit ako.



"Let's eat.." Nakangiting sabi niya saka ko naramdaman ang marahang pagpisil niya sa bewang ko.



Pumasok kami sa isang fastfood chain. Humanap muna kami ng mauupuan. Pinauna niya akong maupo kaya nasa kanan ko siya. Nang maayos na kami ay napagdesisyunan na namin na mag order.



"Anong gusto mo?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.



"Hm ikaw na bahala." Sagot ko pagkatapos ay bigla niyang kinurot ang pisngi ko.



"Ang linaw po.."



Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya. Nakakahiya naman kasi, siya naman magbabayad kaya siya nalang pumili. Tiningnan ko nalang siya habang pumipila sa may counter. Kinuha ko ang phone ko sa sling bag kong dala at palihim siyang kinuhanan ng litarato. Nakangiting tiningnan ko ito nang matapos ako. Ang pogi niya talaga asar. Nakaitim siyang pantalon at vans. Long tshirt na kulay gray naman ang damit niya tapos ay nakasuot siya ng nakabaliktad na cap na kulay gray din. Pero biglang nawala ang ngiti ko nang muling mapatingin ako sakanya. May dalawang babae lang naman kasing halatang kinikilig sa may likod niya.



Hindi ko siya pinansin nang makabalik siya. Dala niya na yung tray na may mga pagkain. Nang mailapag niya na ang tray sa mesa ay umupo na siya sa tabi ko.



"May nangyari ba?" Takang tanong niya habang inaayos niya yung mga in-order niya.



"Wala.." Simpleng tugon ko.



Tigdadalawang spaghetti with chicken, fries, burger, ice cream saka softdrinks ang in-order niya.



"Ang dami naman yata nito?" Sabi ko sakanya nang binibigay niya sa akin yung ibang pagkain.



Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon