Chapter 1

105K 1K 46
                                    

[Ashley POV]

"Auntie saan po tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko.

May dala kasi siyang malaking bag pero sabi niya magsisimba lang kami pero mukhang hindi naman to ang papuntang simbahan eh umuulan pa naman wala kaming dalang payong.

"Basta." Walang a emo-emosyong sagot niya.

"Akala ko po ba magsisimba tayo." Kunot noong sabi ko ulit ng huminto na ang tricycle a sinasakyan namin sa ikalimang kanto mula sa amin.

Nasa tapat kami ngisang kulay brown na bahay, medyo my kalakihan ito dahil sa mayroon itong ikalawang palapag . Hindi ko alam kung bakit nandito kami dahil ngayon pa man lang din ako nakakapunta dito.

"Huwag ka ngang matanong!"

Napasinghap ako bigla ng sigawan niya ako, halos mapahinto ako sa paglalakad namin. Ngayon palang ako tinaasan ng boses ni Auntie Claire.

"Hoy ano pang ginagawa mo diyan?! Sumunod ka saakin!!" Mataray na sigaw niya saakin, agad na sumunod naman ako sakanya. Ano bang nangyayari kay Auntie?

"Boss! Andito na po ako!" Sigaw ni Auntie habang kumakatok sa pinto pero walang nasagot. Boss? Hindi ko maintindihan.

"Boss!" Pang apat na beses niyang sigaw habang kumakatok pa rin sa pintuan.

"Fuck sino yan?! Sandali!" Rinig kong sigaw ng tao sa loob.

Napasinghap ako ng bumukas ang pintuan. Napaiwas ako ng tingin at tumago sa likod ni Auntie.

"Oh Aling Claire ang aga mong mang istorbo anong meron?" Sabi ng isang lalaki.gwapong lalaki.

Isang matangkad at maputing lalaki na naka jersey short lang at halatang bagong gising dahil sa magulo nitong buhok at singkit nitong mata dahil siguro sa liwanag. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko pagkakita ko sa katawan niya.

"Boss nakikiusap ako, huwag mo ng ipakulong ang asawa ko!! Parang awa niyo na, lahat gagawin ko huwag mo lang ipakulong asawa ko." Naiiyak na pagmamaka awa ni Auntie.

"Alam niyo naman Aling Claire ang patakaran ko di ba."

Umiling ang lalaking kausap niya at di inaasahang dumako ang paningin niya sa akin. Nagulat ako kaya yumuko ako, mabuti nalang at nasa likod ako ni Auntie Claire.

"Boss alam niyo naman ang kalagayan ng buhay namin, mahirap maibalik ang perang inutang ng asawa ko kaya.." Mahinang sabi ni Auntie pero laking gulat ko ng hilahin niya ako at itulak sa harap ng lalaking kinakausap niya.

"Boss kunin mo na siya, walang kaming ganung kalaking halaga para mabayaran ka." Halos mabato ako sa kinatatayuan ko. A-ako?

Hindi mag sink in sa utak ko ang mga nangyayare. Sana panaginip lang ang lahat ng ito, pero ng tumingin ako sa lalaki sa harapan ko doon ko na napagtanto na totoo ang nangyayari ngayon. Namalayan ko nalangg na unti unti na palang tumutulo ang mga luha ko.

"Auntie ayoko pong maiwan dito! Please! S-sinusunod ko naman po lahat ng gusto niyo eh. Auntie huwag po please umuwi na tayo." Nanginginig na pakiusap ko sakanya habang niyayakap siya.

"Pwede ba huwag mo kong mayakap yakap hindi kita anak! Sampid ka ang sa bahay namin! Palamunin! Pabigat!"Sigaw niya sa akin habang inaalis niya ang pagkakayakap ko sakanya.

"A-auntie." Humahagulhol na sabi ko.

Hindi ko alam na yan pala ang iniisip niya sa akin. Akala ko okay kaming lahat akala ko..

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon