[Ashley POV]
Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang laman ng hawak niyang kahon. Agad kong tiningnan ang reaksyon niya ngunit wala akong mabasa. Blangko lang ang mukha niya, hindi man lang ba siya nagulat?
"PJ.."
Tiningnan niya ako at agad na isinara ang kahon na hawak niya at ipinatong ito sa may side table.
"PJ.."
Hinila niya ako pahiga at agad ko namang naramdaman ang pagyakap niya sa bewang ko.
"PJ.."
"Hmm.."
"Bakit ang tahimik mo? May problema ba?"
Naghihintay ako ng sagot niya nang biglang maramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa damit niyang suot ko. He's tracing circles on my waist.
"PJ uso magsalita alam mo yun? Ano ba kasing problema?"
Imbes na sumagot ay naramdaman ko ang mahinang pagpisil ng kamay niya sa bewang ko. Mukhang wala yata siyang balak magsalita kaya hinawakan ko ang pisngi niya para magkatapatan ang mga mukha namin.
"PJ.."
Napabuntong hininga siya at tinitigan niya ako sa mata.
"Pwede ka magtanong sa akin kung gusto mo."
Pinadausdos ko ang kamay ko mula sa pisngi niya papunta sakanyang leeg, kasabay nun ay ang pagbaba rin ng tingin ko. Ewan,sadyang hindi ko magawang makipagtitigan ng matagal sakanya. Para akong malulunod sa mga nais ipahiwatag ng mga mata niya.
"Yung ano, yung kotse sa ibaba at saka yung susi doon sa kahon. Ano.. anong ibig sabihin nun?" Kunot noong tanong ko habang nakatitig pa rin sa leeg niya.
"Ewan, mukhang may nagbigay nanaman sa akin."
Agad na tiningnan ko siya sa mukha. Nagbigay? Nanaman?
"Anong ibig mong sabihin?"
"It all started when I was seven. Sa tuwing magbi-birthday ako palagi akong may natatanggap na regalo. Damit, laruan, pera, sapatos. Kahit yung motor na gamit ko ngayon? Galing din yun sakanya. Sobrang pagkabigla nga ang naramdaman ko nang bigyan niya ako nun kaya hindi ko na talaga mapigilang ma-curious kung sino ba talaga ang nasa likod ng mga yun lalo na ngayon, hindi ko lubos maisip na aabot siya sa ganito. Sinong tanga ngayon ang magbibigay lang basta ng kotse? Wala naman akong ibang mga kaibigan bukod dun sa apat." Nagtatakang sabi niya.
Maging ako ay napaisip din. Halos 14 years nang may nagbibigay sakanya? Sino naman kaya yun?
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...