[ASHLEY POV]
Kanina pa ako pa ikot-ikot dito sa kama pero hindi pa rin ako makatulog.
"Nasaan na kaya yun?"
Napatingin ako bigla sa pintuan nang may marinig akong ingay sa baba.
Mukhang dumating na siya.
Pinakiramdaman ko ang ingay sa labas. Mukhang papataas siya ng hagdan. Nagtalukbong ako ng kumot baka pumasok siya ng kwarto isipin niya pa hinintay ko siyang dumating.
"Hmpff PJ slow down oh my god hmm."
"Shut up! Huwag kang maingay kundi titigil ako.
Huh? May kasama siya?
Dali dali akong bumaba ng kama. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto. Teka parang..
Huwag mong sabihing nagdala siya ng babae? Natutop ko ang bibig ko sa naisip ko.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto niya. Maya maya ay nakagat ko ang labi ko sa namuong kongklusyon sa utak ko.
Oo tompak ka Ashley magkukulong sila sa loob ng kwarto para mag bible study. Sarkastikong sabi ng utak ko.
Napaupo ako sa sahig. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Napapikit na lamang ako nang marinig ko ang mga ungol nila pati ang tunog nang paggalaw ng kama. Bumalik na lamang ako sa pagkakahiga. Sana pala ay hindi ko na lang siya hinintay pang umuwi. Sino ba kasing may sabing hintayin ko siya? Ito tuloy napala ko.
"Nakalimutan ko yata, isang PJ Hernandez ka nga pala." Huling sabi ko bago ko ipinikit ang may luha kong mata.
Maaga akong nagising kinaumagahan. Alas singko palang ay bumangon na ako. Nagluto muna ako ng agahan, nasayang lamang yung niluto ko kagabi hindi niya rin pala kinain papakain ko nalang to sa aso ng kapitbahay namin.
Pagkatapos ko magluto ng agahan ay naligo na ako papasok na ako ngayon. Nakakalakad na ako ng masyado hindi na masakit. Napangiti ako ng mapait nang maisip ko ang dahilan. Dali dali akong bumaba ayokong maabutan silang dalawa. Pababa na ako ng hagdan at nang nasa sala na ako biglang kumabog nanaman ng mabilis ang puso ko nang may tumawag sa akin.
"Kumain ka muna, masyado pang maaga." Sabi niya mula sa may kusina.
Naglalaban ang puso't isip ko kung lilingunin ko ba siya o hindi. Parang ang bastos naman kung hindi ko siya papansinin eh nakikitira nga lang ako dito.
Nakayukong naglakad ako papuntang kusina. Umupo ako sa may harapang upuan niya. Hindi ko siya tinitingnan, naiinis ako sakanya eh tapos ano? May gana pa siyang mag topless sa harapan ko ngayon?
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...