[Ashley POV]
"Sigurado ka ba hahatid mo ako ngayon?"
Napatigil siya sa pagtangkang pagsakay sakanyang motor at humarap sa akin.
"Halika nga dito."
Humakbang ako ng dalawa pero mukhang hindi niya iyon nagustuhan. Inabot niya ang kamay ko sabay hila sa akin kaya marahang nauntog tuloy ako sa dibdib niya.
"PJ naman.."
Natawa lang siya nang mahina sa reklamo ko bago siya bahagyang umupo sa motor niya.
"Sorry na po.."
Bulong niya sa tapat ng tenga ko pagkatapos niyang ipulupot ang kaliwang braso niya sa bewang ko.
"Pero seryoso nga, hahatirin at susunduin mo ba talaga ako simula ngayon?"
Hindi siya sumagot pero ramdam kong tumango tango siya at pagkatapos ay binaon niya ang mukha niya sa may leeg ko.
"Okay pero hindi ba talaga hassle saiyo?"
Umiling-iling siya saka inamoy amoy niya ang leeg ko dahilan upang mapakislot ako.
"PJ.."
Umungol siya nang mahina saka niya mas hinigpitan ang yakap niya sa akin.
"Ang bango mo kasi.." Mahinang sambit niya.
Magsasalita sana ako nang bigla ko namang naramdaman ang basa niyang dila doon.
"Paris Jae!"
Nagsitaasan ang balahibo ko sa batok nang gawin niya yun. Naeeskandalong kumawala tuloy ako sa yakap niya pero hindi niya ako hinayaang makawala, hinawakan niya ang magkabilaang bewang ko para panatiliin ako sa pwesto.
"Di ka na nasanay.."
Awtomatikong uminit ang pisngi ko nang kagatin niya ng marahan ang tenga ko.
"P-paris Jae.."
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Parang tuwang tuwa talaga siya kapag ganitong nauutal ako sa harapan niya. Medyo inilayo niya ako sakanya medyo nailang ako nang salubungin ko ang mga titig niya.
"Tangina.."
Napatingin ulit ako sakanya. Napakunot ang noo ko nang makita kong nakaigting ang mga panga niya.
"PJ may problema ba?" Nag aalalang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...