[AshleyPOV]
"Pumunta ako dito para ipaalam sayo na putang ina binuntis mo ang kapatid ko!"
Pakiramdam ko huminto sa pag tibok ang puso ko. Parang mga kutsilyong sabay sabay na isinaksak sa dibdib ko ang mga salitang binitawan niya. Hindi ko sinasadya pero kusa nalang na napabitaw ako sa pagkakayakap ko kay PJ.
"Ashley.." Sabi niya nang hawakan niya ang magkabilaan kong pisngi.
Wala siyang natanggap na tugon mula sa akin. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam ang sasabihin kaya umiwas ako ng tingin. Mahina siyang napamura dahil dito. Alam ko nasaktan siya nang dahil doon pero nasasaktan din kasi ako ngayon. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang ibinunyag nung lalaki, o kung talaga bang nagsasabi ito ng totoo o hindi.
"ANO BANG PINAGSASABI MO?!" Galit na sigaw ni PJ nang bitawan niya ang pisngi ko.
"ISANG BUWANG BUNTIS SI CHESKA AT IKAW ANG AMA!"
"Isang buwan?"
Nakita kong kumunot ang noo niya pagkasabi niya nun.
"Hindi ako ang ama, sigurado ako run." Kalmadong sabi niya.
"ANONG HINDI?! PANAGUTAN MO ANG KAPATID KO HAYOP KA!" Nanggagalaiting sigaw nito.
Inilayo ako ni PJ nang sugurin siya nito. Napaiyak na lamang ako nang suntukin nito si PJ sa may mukha.
"PJ!" Naluluhang sigaw ko.
Hindi ako makalapit. Yung lalaki naman ngayon ang nasa ibabaw habang pinagsusuntok si PJ.
"TANG INA HERNANDEZ! HINDI KITA MAPAPATAWAD!"
Sinusuntok niya si PJ pero mabuti nalang at nakakaiwas ito.
"PAANO KA NAMAN NAKAKASIGURONG AKO NGA ANG AMA NG DINADALA NIYA?!"
Mukhang mas nagalit niya lang ang lalaki dahil sa sinabi niya.
"TARANTADO!"
Akmang manununtok siya ulit nang magsalita si PJ.
"HINDI LANG AKO ANG LALAKING NAKAGALAW SA KAPATID MO! AT ALAM KONG ALAM MO YAN!"
Natigilan ito sa narinig, pabalibag na binitawan nito si PJ at napaupo ito sa sahig. Hindi rin nagtagal ay umupo rin si PJ sa may tabi nito.
"God knows, ilang buwan ko nang iniiwasan si Cheska. Pero kilala mo naman iyang kapatid mo hindi yun titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya." Sabi ni PJ.
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...