[PJ POV]
Andito ako ngayon sa loob ng kwarto at hinihintay siyang pumasok. Isinandal ko ang likod ko sa may headboard ng kama ko at ipinikit ko ang mga mata ko habang hinihintay siya. Naaalala ko nanaman kanina ang itsura niya habang kumakain. Halos hindi ako makakain ng maayos dahil sakanya. Paano naman kasi halatang walang suot na bra. Nung tapos na kaming kumain nagpresinta siya na siya na daw ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin kaya napagpasyahan kong manood muna sa sala. Habang nanonood ako hindi ko mapigilan ang mga mata kong titigan ang babaeng nasa may kusina at nakatalikod sa kinaroroonan ko. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang.. Napaisip tuloy ako, wala rin kaya siyang suot na panty?
Ewan ko nga kung paano ko nakakayanang magpigil. Sa ganda niyang yan? Pero sa totoo lang hindi naman siya yung pang model o pang artistahin ang itsura. Hindi siya katangkaran siguro mga 5'3? I-imagine niyo 5'9 ako tapos ipagtabi niyo kami ang cute lang. Pero ewan, naaatract talaga ako sa mga simpleng babae, sila yung mga tipo ko talaga. Pero kung ang itatanong niyo ay ang mga naging babae ko dati eh hindi sila cute, mga wild yun eh nakuha nila ako sa pang aakit nila at sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Tss lalaki lang ako may kahinaan pero hindi naman ako pumapatol sa kung sino sinong babae baka magkasakit pa ako mahirap na. Ay tangina bat ba napunta diyan ang istorya? Basta gusto ko ang mga simple lang na babae, yung mga tipong hindi naman conservative pero alam mong malinis, yung mga inosente ewan basta gusto ko sila parang ang sarap kasing gawing.. baby. Tss oo na ang baduy na tss.
Maya maya ay natagpuan ko ang sarili kong ngumingisi.
"What the fuck PJ." Biglang sabi ko sa sarili ko.
Eh kasi naman bigla kong naalala yung kanina, kanina kasi nung nasa bilyaran ako naiisip ko palang kung maaabutan ko pa ba siya sa bahay halos madapa dapa na ako kakatakbo makauwi lang ng maaga.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako yung tipong lalaking Ma-L kung alam niyo ang ibig kung sabihin. Pero kasi sa tanang buhay ko ngayon lang ako ininitan ng ganun sa simpleng pag sulyap sulyap lang. Kung ang ibang lalaki dibdib ang gusto sa mga babae pwes ibahin niyo ako, ako'y mahina pagdating sa mga babaeng may makinis at may maputing hita. Ang pinagtataka ko lang eh sanay naman akong makakita ng mga babae na mahilig magpakita ng kaluluwa nila, kung tutuusin nga pormal pa sa lagay na yun ang pananamit niya at hindi naman siya nang aakit pero kapag nasisilayan ko talaga ang sakanya halos maglaway ako bigla.
Naputol naman ang pagpapantasya ko sakanya, oo pagpapantasya talaga ng may marinig akong yapak papunta dito. Pigil ko ang paghinga ko ng maramdaman kong may nagbubukas ng pinto. Sino kaya yan?
Halos murahin ko ang sarili ko sa sariling tanong ko. Kung hindi naman talaga ako tanga, eh sino pa ba? Malamang siya na yun eh kami lang namang dalawa ang nandito. Maya maya ay tuluyan ng nagbukas ang pintuan ng kwarto ko at ibinungad nito ang isang babae. Isang babaeng bagong ligo dahil sa basa pa ang mahaba nitong buhok. Fuck nakaka turn on pa naman para saakin ang ganyan, yung tipong bagong ligong amoy.
Nagkatinginan kaming dalawa sa mata pero agad rin siyang nag iwas at tumalikod para isarado ang pinto at humarap rin ulit sa akin. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang suot niya. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya mula ulo hanggang.. tangina puti. Ang sexy niya sa T-shirt kong pula na umabot lang sa kalagitnaan ng hita niya sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...