Chapter 31

28.1K 492 55
                                    


[Ashley POV]


Nagising akong mag isa sa higaan, nakatingin lang ako sa kisame. Wala pa sa huwisyo ang katawan ko para umalis ng higaan. Tiningnan ko ang orasan sa may side table, alas siyete palang ng umaga. Bumalik ang tingin ko sa taas ng kisame at napa-buntong hininga. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya patutunguhan. Hindi ko alam kung totoong ayos na ba talaga kami. Kahit kasi sinabi niya pang okay na siya at hindi na siya galit hindi ko pa rin mapigilang maguilty sa nagawa ko.

Nahinto ako sa aking pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, hindi ko tuloy mapigilang mapalingon. Awtomatiko namang tumahip ang dibdib ko nang iluwa nun ang taong iniisip ko ngayon ngayon lang.

"Gising ka na pala.." Nakangiting sabi niya habang may hawak na tray na may lamang pagkain.

"Ang aga mo ata?" Medyo nahihiyang sabi ko habang umaayos ng upo.

Hindi siya sumagot, nginitian niya lang ako at pagkatapos ay inilapag niya na sa may side table ang dala niyang tray. Tatayo na sana ako kaso umupo siya sa may gilid ng kama kaya nanatiling nakaupo ako sa may gitna ng kama.

"PJ.."

Agad naman akong nahiya nang ayusin niya ang buhok ko.

"A-ako na.." Nahihiyang sabi ko at agad na sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko.

Nakita ko ang pagsilay ng munting ngiti niya sa labi dahil sa pagkataranta ko.

"May nakalimutan ka.." Malumanay niyang sabi at pagkatapos ay ang kamay niyang kaninang nasa may buhok ko ay dumausdos papunta sa pisngi ko.

"Ano.. yun.." Kinakabahan kong sabi nang titigan niya ako.

Napalunok ako nang pasadahin niya ang hinlalaki niya sa pang ibabang labi ko.

"PJ.."

Bumaba sa mga labi ko ang tingin niya saka siya marahang dumukwang palapit sa akin na agad ko namang naiwasan dahil umurong ako ng kaunti sakanya.

"T-teka anong gagawin mo?" Tanong ko habang takip ko ang bibig ko gamit ang isa kong kamay.

Imbes na sumagot ay mas lumapit siya sa akin kaya napahiga ulit tuloy ako sa kama.

"PJ.."

"Patikim lang.." Bulong niya sa tenga ko na nagdulot ng kilabot sa akin.

Inalis niya ang nakatakip na kamay sa bibig ko at agad niyang nilapat ang labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit niyang dila sa pang ibabang labi ko saka niya ako masuyong hinalikan. Napasabunot ako sa buhok niya nang maramdaman ko ang pagdagan niya sa akin. Mula sa labi ko ay bumaba ang mga halik niya sa panga ko pababa sa leeg ko. Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang senswal na paghimas ng kamay niya sa hita ko pataas sa damit kong suot.

"Ohh.."

Napadaing ako nang maabot ng kamay niya ang dibdib ko at dahil wala akong suot na bra ay malaya niyang nagagawa ang nais niya. Pigil ko ang ungol ko nang bumaba ang ulo niya katapat ng dibdib ko. Mapungay ko siyang tinitingnan habang nilalaro ng dila niya ang tuktok ng isa kong dibdib. Kitang kita ko kung paanong tumayo at tumigas iyon sa loob ng damit ko dahil sa ginawa niya. Bago pa ako makaprotesta ay nanggigigil na kinagat niya na iyon. Halos mapasigaw ako sa dulot na kirot at sarap nun sa bawat himaymay ng katawan ko. Nasabunutan ko siyang muli nang lamasin ng isa naman niyang kamay ang isang dibdib ko habang kinakagat kagat niya ang isang tuktok ng dibdib ko sa ibabaw ng damit ko.

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon