[Ashley POV]
Tinitigan ko ang kabuuan ko sa salamin. Isang light blue green na halter dress na mga 3 inches above the knee ang suot ko at tinernuhan ko ito ng simpleng flats ko. Inilugay ko lang ang wavy kong buhok at naglagay na din ako ng pulbos, lip balm at pabango. Nagsusuklay na ako nang may marinig akong pagkatok sa pinto. Bale nandito ako sa kabilang kwarto.
"Bukas yan."
Pinagpatuloy ko ang pagsusuklay sa buhok ko. Nakita ko mula sa salamin ang pagpasok niya. Nakasuot siya ng itim na jeans, dark blue na polo shirt at dark green na vans. Medyo nakataas ang magulo niyang buhok at nakadagdag lamang sa appeal niya ang piercing niya sa kanang tenga niya. Hindi ako kumurap habang tinitingnan ko ang paglapit niya sa akin mula sa salamin. I want to giggle pero pinigilan ko, baka mahalata niyang kinikilig ako sakanya.
"Hi pretty baby." Bulong niya sa tenga ko pagkatapos niyang yakapin ang bewang ko mula sa likod. Awtomatiko namang uminit ang mukha ko.
"Bolero kang lalaki ka." Natatawang sabi ko. Pero deep inside halos sumayaw na ako ng chandelier sa sobrang kilig!
"Hindi ah, maganda talaga ang misis ko pero.." Sabi niya sabay baon ng mukha niya sa leeg ko.
"Pero?"
"Pero syempre mas maganda ka pa rin sa paningin ko.. lalo na kung walang suot na damit." Paos niyang sabi.
"PJ!" Nanlalaki naman ang mata ko. Narinig ko nalang ang pagtawa niya.
"Hmm.."
"Uy hala tigil nakikiliti ako.." Napahawak ako sa braso niyang nakayakap sa akin nang maramdaman ko ang paglandas ng ilong niya sa leeg ko.
"Ang bango mo.." Napalunok ako nang amoy amuyin niya ang leeg ko.
"Paris Jae.." Awat ko sakanya kasi baka kung saan nanaman to mapunta.
Naramdaman kong dinampian niya pa muna ng halik ang leeg ko bago niya ako iniharap sakanya.
"Ang sarap naman nun." Nakangiting sabi niya pagkatapos ay inipit niya ang buhok ko sa tenga ko.
Teka anong tinutukoy niyang masarap? Yung leeg ko? Takte di ko gets.
"Di pa ba tayo aalis?" Tanong ko.
Nagulat naman ako nang hawakan niya ang magkabilaang bewang ko at hinapit niya ako palapit sakanya, napahawak tuloy ako sa braso niya.
"Kung huwag nalang kaya tayong umalis?"
Nakayuko siya sa akin habang nakatingala naman ako sakanya. Teka parang hindi ko gusto ang mga ngiti niyang iyan.
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...