Chapter 30

37.9K 625 152
                                    



[Ashley POV]


"Text ka sa akin pag may nangyaring di maganda."


Napangiti na lang ako nang maalala ko ang paulit ulit niyang paalala sa akin tuwing pumapasok ako sa school. Minsan nga nagtataka ako kasi kahit hindi naman ako nagsusumbong na may umaaway sa akin eh nalalaman niya pa rin kaya ayun palagi akong may parusang kurot sa pisngi kapag nasa bahay na kami.


"Isang bulong pa talaga ng babaeng yan sasabunutan ko yan."


Napatingin naman ako kay Bri. Ang sama ng tingin niya kina Rizza na nasa kabilang table.


"Hayaan mo nga sila.." Sabi ko nalang at ngumiti ng matipid.


"Eh nakakabadtrip mga pagmumukha eh!"


"Baliw ka talaga hayaan mo na, hindi naman nila ako inaano." Sabi ko nalang saka bumalik sa pagkain.


Isang linggo na rin ang nakalipas nang sunduin ako ni PJ dito sa school, simula nun palagi niya na talaga akong hinahatid at sinusundo kaya naman hindi talaga maiwasang pag usapan kami ng mga tao. May mga nabigla, natuwa at mayroon namang mga nagalit pero hindi ko nalang yun masyadong pinapansin, ayokong lumaki ang issue.


"Tara na nga 3:00 na oh may batch meeting daw tayo." Pag aaya sa akin ni Bri.


Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming umalis sa canteen. Tumungo na kami sa Audio Visual Room (AVR) doon daw kasi ang venue ng meeting. Nang makarating kami doon ay halos nandoon na rin ang mga kabatch namin at mukhang excited silang lahat sa pag uusapan naming ngayong meeting na ito. Umupo kami sa may gitna nadoon kasi mg aka-section naming saka ni-reservan kasi kami ng upuan nina Zenna kaya di na kami nahirapan pang maghanap ng pwesto. Mga ilang minuto rin ang lumipas bago kami nagsimula. Pumunta na sa unahan si Kyla, ang aming Grade 10 level representative.


"Okay guys, excited na ba kayo sa pag uusapan natin?"


Excited naman na tumugon kami sa tanong niya.


"Basically, January talaga ginaganap ang Seniors Night ng school natin at 2 months from now na yun kaya naisipan ko nang hingin ang mga opinions niyo para sa prom natin. Mayroon kami ditong inihandang presentation para sa mga possible themes na pwede niyong pagpilian. Ready na ba kayo?"


"Ready na!" Energetic naming sigaw.


Yun nga, sinimulan na ang presentation ang unang pinakita ay yung Filipiniana na theme, okay naman siya simple pero elegante ang dating. Sunod namang ipinakita ay masquerade na theme maganda rin naman, sunod ay pastel yung theme cute nga eh parang ang fresh ng dating a yung last naman ay vintage, para yung mga ball gown yung sa mga classical movies ang dating. Bawat flash ng mga litarato ay di nawawalan ng komento kaya nang matapos ang presentation ay nagbigay sila ng survey questionnaire na naglalaman ng mga possible hemes ng prom namin.


"Lahat na ba mayroon? Kapag nabigyan na ay maaari lamang na sagutan ito ng maayos. Gusto ko ang piliin niyo ay yung pinakagusto niyo talagang theme para sa prom natin dahil kung ano ang majority na pinili ay yun na ang magiging final theme ng prom natin nagkakaintindihan ba?"

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon