Chapter 4

86.5K 949 78
                                    


[PJ POV]


Antok na antok pa ako pero naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinapa ko ang katabi ko pero wala akong makapa. Napamulat bigla ang mga mata ko at biglang nawala ang kaantukan ko. Napaupo ako sa kama at tiningnan ko ang orasan, alas onse na pala ng umaga. Hindi na sumagi sa isip ko ang magbihis at dali dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa banyo para hanapin siya pero hindi ko siya nakita. Bigla akong kinabahan, hindi kaya iniwan niya na ako? Dali dali akong bumaba ng hagdan, wala rin siya sa sala kaya dumiretso ako sa kusina.


Nakahinga ako ng maluwag ng matagpuan ko siya dun na nagluluto. Hindi ko muna siya nilapitan tinitigan ko muna ang kabuuan niya mula dito. Ang sexy niya talagang tingnan sa t-shirt ko. Naalala ko nanaman tuloy yung kagabi, napapangiti ako ng wala sa oras kapag naiisip ko. Sa totoo lang ngayon lang nangyari to sakin, ang maramdaman ang ganitong pakiramdam na masaya dahil sa isang babae kahit walang nangyari saamin sa kama. Ewan wala naman nangyare sa amin pero masaya pa rin ako, hindi tulad nung sa mga dati kong babae na kailangan munang may mangyareng milagro bago ako masiyahan pero sakanya, kahit siguro simpleng halik at yakap lang kontento na ako.


"P-PJ." Gulat na sambit niya dahil napatigil siya sa ginagawa niya. Ramdam kong parang na tense siya ng ipulupot ko ang mga kamay ko sa sexy niyang bewang.


"Akala ko umalis ka na." Mahinang sabi ko habang marahang dinadampian ko ng halik ang batok niya.


Sa totoo lang naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako umakto pagdating sakanya eh pinambayad utang lang naman siya sa akin.


"M-magpapaalam n-naman ako sayo pag umalis ako eh." Napatigil naman ako sa ginagawa ko at niluwagan ko ang pagkakayakap sakanya.


Aalis siya?


Hininaan niya muna ang apoy at humarap sa akin, nakayakap pa rin ang mga kamay ko sa bewang niya pero  hindi na ito ganuun kahigpit.


"M-mamaya p-pa naman ako aalis eh, pwede ba?" Kinakabahang sabi niya sa akin.


Hindi ako sumagot nakatingin lang ako sa mga mata niya.


"PJ.." Parang nagsusumamong sabi niya sa akin.


"Bahala ka." Walang emosyong sabi ko sabay bitaw ng pagkakayakap ko sakanya.


"A-ayaw mo ba?" Kinakabahang tanong niya sa akin. Iniwas ko lang tingin ko sakanya.


"PJ." Mahinang tawag niya sa pangalan ko kasabay nun ay ang marahang pagdampi ng malambot niyang kamay sa pisngi ko para iharap sakanya.


Ang mga matang iyan. Tangina huwag kang ganyan baka bawiin ko ang sinabi ko at habambuhay na kitang ikulong sa kwarto.


"Babalik naman ako eh." Mahinang sabi niya sa akin.


Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon