Chapter 5

49.8K 539 22
                                    




[PJ POV]


Hindi ako pumasok ngayon kaya andito pa rin ako sa bahay pinipilit kong manood ng tv para libangin ko ang sarili ko. Pero pudpod nalang yata ang remote na hawak ko sa kakalipat ko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali.


Tinuon ko nalang ulit ang atensyon sa palabas. Pinipilit kong intindihin ang pinanonood ko nang biglang pumasok sa isipan ko ang eksena kung paano nalang siya sigaw sigawan at kung paano siya itulak ng tiyahin niya.


Biglang isinarado ko ang tv at dali dali kong kinuha ang susi ng motor ko. Habang nasa daan ako papunta sa dating bahay niya, hindi ko mapigilang isipin kong bakit ganito ang inaakto ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pag aalala.. Putcha naman pag aalala? Bakit naman ako nag aalala sa taong ipinambayad utang sa akin?


Gulo pa rin ang isipan ko ng makarating na ako sa may eskinita nila. Ipinark ko muna ang motor ko sa gilid bago ako naglakad papunta sa bahay nila. Nagtago ako nung nakita ko siya. Tss bat ba ako nagtatago? Sinilip ko siya mula sa halamang pinagtataguan ko. Nakita ko na parang may sinasabi ang tiyuhin niya sakanya. Maya maya ay bigla nalang siyang napa upo sa lupa. Mula dito ay kitang kita ko kung paano siya umiyak kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na lapitan siya.


"Tahan na, di ba sabi ko huwag ka ng iiyak." Mahinahong sabi ko.


Humihikbing napatingala siya sa akin ng makalapit ako sakanya. Bumaba ako para maging magkapatay ang mukha namin.


"PJ." Mahinang tawag niya saakin marahil ay hindi niya inaasahan ang pagdating ko.


"Huwag ka ng umiyak, uuwi na tayo kaya tahan na ha?" Maamong sabi ko habang pinupunasan ng hinlalaki ko ang luha sa pisngi niya.

Umiiyak nanaman siya, tiningnan ko ng maigi ang mala anghel niyang mukha at ng puntong iyon isa lang ang tumatak sa isip ko..


ANG PANGIT NIYA PALANG UMIYAK, KAYA HINDING HINDI NA AKO PAPAYAG NA UMIYAK PA SIYA ULIT. JOKE.



Natawa naman ako bahagya sa naisip ko. Tsk talagang nagawa ko pang magbiro sa ganitong sitwasyon ang gago ko talaga.

"PJ bat ka tumatawa?" Kunot noong tanong niya sa akin.


"Wala po, natawa kasi ako sa mukha mo." Birong sabi ko sakanya.


Natatawa pa rin ako habang pinupunasan ko pa rin ang basang basa niyang pisngi pero biglang nawala ang ngiti ko ng biglang ngumuso siya sa harapan ko.


"Huwag mo nga yang gagawin!" Kunot noong sabi ko.


Naramdaman kong nagitla siya ng sumigaw ako. Bigla naman akong natauhan. Mukhang natakot siya sa akin kasi parang magsisimula nanamang mag tubig ang mga mata niya. Tsk iyakin talaga tong babaeng to.


"Ahm.." Napakamot nalang ako bigla sa batok ko tsk.


"Sorry hindi ko sinsadya." Dire-diretsong sabi ko.


Mukhang nagulat nanaman siya sa sinabi ko kasi hindi siya sumagot at parang nakatulalang nakatingin lang sa akin. Ano nanaman ba?


"Tara na uwi na tayo?"


Sinubukan kong ngumiti sabay marahang tinapik ko ang ulo niya bago ako tumayo. Tumayo na rin siya at kinuha yung bag na dala dala niya. Pero bago pa siya makapaglakad eh kinuha ko na ang mga iyon. Nasa may motor ko na kami ng tinext ko si Emman na kumuha ng tricycle, malapit kasi sa may bilyaran ang mga paradahan ng tricyle. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ito, agad ko namang nilagay doon ang apat na bag niya.


Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon