Prologue

167K 1.3K 66
                                    

“Auntie ayoko pong maiwan dito! Please! S-sinusunod ko naman po lahat ng gusto niyo eh. Auntie huwag po please umuwi na tayo.” Hagulhol ko sakanya habang niyayakap siya.

“Pwede ba huwag mo kong mayakap yakap hindi kita anak! Sampid ka lang sa bahay namin! Palamunin! Pabigat!” Sigaw niya sa akin habang inaalis niya ang pagkakayakap ko sakanya.

“A-auntie.” Humahagulhol na sabi ko. Hindi ko alam na yan pala ang iniisip niya sa akin. A-akala ko okay kaming lahat akala ko..

“Ano boss? Ayos lang ba na siya ang ipambayad ko? Maputi at makinis yan, gawin mo kung ano ang nais mo sakanya.” Sabi ni Auntie sa lalaking kaharap namin ngayon.

Napatingin tuloy ako sakanya. T-teka mukhang nakita ko na ito ah, di ba siya yung.. Kinabahan ako ng simulan niyang tingnan ako mula ulo hanggang paa at doon nagtagal ang tingin niya. Napalunok tuloy ako, naka dress pa naman ako ngayon na above the knee. Di naitago sa paningin ko ang pasimpleng pag ngisi niya, halos mawalan ako ng hininga sa malagkit na pagtitig niya sa akin.

“Sige pwede na.” Sabi nung lalaki habang nakatingin sa akin, napaiwas tuloy ako ng tingin.

“A-untie huwag niyo po akong iwan please!” Nagsimula nanaman akong mag panic ng maramdaman kong gumalaw si Auntie at kinuha ang bag na dala niya.

“Huwag mo nga akong hawakan! Oh ito mga gamit mo!” Sigaw niya sa akin sabay balibag ng bag sa akin.

“Salamat boss at humihingi pa rin ako ng paumanhin sa ginawa ng asawa ko.” Mahinang sabi niya sa lalaki at nagsimula na siyang umalis.

“Auntie ayoko dito huwag mo akong iwan! Umuwi na po tayo please ayoko dito ayoko!” Hagulhol ko pa ring sabi kay Auntie habang pilit na niyayakap siya.

“Bumitaw ka hayop! Aalis na ako! Subukan mong sumunod at hindi lang ito ang aabutin mo!” Sigaw niya sa akin ng itulak niya ako sa lupa.

“A-auntie..” Mahinang sabi ko, ang sakit ng pagkakatulak niya sa akin. Pero hindi lang yun ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maisip na aabot ako sa ganitong sitwasyon.

Pinanood ko siyang umalis hanggang sa di ko na siya makita. Sumasabay ang langit sa kung gaano kasakit ang nararamdamn ko sa mga oras na ito. Tuloy pa rin ang mga hikbi ko kahit alam kong kahit ilang timba pa ang iluha ko, hindi pa rin ako maaalis sa sitwasyong ito.

“Ssh huwag ka ng umiyak.” Nagulat ako ng may magsalita. Napagtanto ko na nasa harapan ko na pala ang lalaki na kung saan ipinambayad ako.

“A-anong..” Kunot noong tanong ko ng biglang kargahin niya ako.

“Tandaan mo simula ngayon, AKIN KA NA.” Seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Halos mapugto ang hininga ko dahil sa sinabi niya. Mukhang hanggang dito nalang yata talaga ako. Ikinawit ko nalang ang kamay ko sa batok niya, huminga ako ng malalim at pumikit ng sinimulan niya ng maglakad papasok sa bahay.

Ako, si Ashley Forteza ay isang PAMBAYAD UTANG

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon