[PJ POV]
Mahimbing na ang tulog niya. Mula pa kanina ay pinagmamasdan ko lang siya, hindi ko mapigilang haplusin ang maamo niyang mukha. Napapikit ako nang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Hindi ko mapigilang ngumiti. Minulat ko ulit ang mga mata ko, hinayaan kong landasin ng hinlalaki ko ang mamula mula niyang labi.
Ako ang unang lalaki sa buhay niya.
Alam ko naman yun, mula palang noong unang ko siyang makita alam kong malinis siya kaya grabeng pagpipigil ang ginawa ko sa unang gabi kasama ko siya. Bilang isang lalaki, hindi biro ang sitwasyon ko. Yung amoy niyang nakakagigil at ang lambot ng katawan niya na nadarama ko tuwing magkatabi kaming matulog, sapat na ang mga yun para buhayin ang init sa katawan ko.
Sa totoo lang pwede kong gawin ang kahit anong gusto ko sakanya kasi ipinambayad utang lang naman siya sa akin. Wala naman siyang magagawa kahit ano pa ang gawin ko sakanya, pero hindi ko magawa. Sa tuwing tinitingnan ko ang mga mata niya parang nanghihina ako, parang gusto ko nalang siyang yakapin bigla, parang gusto ko ako nalang ang mag alaga sakanya.
Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Kagabi nung nagpaalam siya kung pwede niya bang ipagpatuloy ang pag aaral niya, aaminin ko nakaramdam ako ng takot, dahilan kaya umabot kami dito. Selfish kasi ako ayokong may kahati, ang akin ay AKIN. Alam ko, alam ko mali yung ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa yun, hindi ko dapat sinamantala ang sitwasyon niya dahil unang una palang, hindi naman ako ang tamang taong dapat pagbigyan niya.
Nang makuntento na ako sa pagtitig sakanya, yumuko ako nang konti para mahalikan ko ang labi niya. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw niya, akala ko nagising siya pero hindi pala, sumiksik lang siya sa may dibdib ko. Napangiti ako sa ginawa niya.
Kung alam mo lang. Kung alam mo lang talaga.
"Goodnight baby." Bulong ko sakanya saka ko ipinikit ang mga mata ko at niyakap siya nang mahigpit.
[Ashley POV]
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad agad sa akin ang gwapong mukha ng lalaking katabi ko. Biglang uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Nakagat ko ang labi ko, sinilip ko ang nasa ilalim ng kumot.
Oh my god.
Hindi nga panaginip ang mga nangyari kagabi. Tiningnan ko ulit ang mukha niya. Grabe hindi ako makapaniwala, siya ang nakauna sa akin at isa lang ang tumatak sa isip ko..
Hindi na ako virgin.
Nakagat ko ang labi ko, paano na? Paano ko siya pakikitunguhan? Mas lalo lang tuloy ako nakaramdan ng hiya sakanya at saka paano na ako? May tatanggap pa ba sa akin? Hindi na ako malinis, nakuha na ng lalaking ito. Ano kayang nararamdaman niya? Papaalisin niya na ba ako? Nakuha niya na ako eh.
Napabuntong hininga na lang ako. Tiningnan ko siya ulit at saka ko dahan dahang inalis ang kamay na nakayapos sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...