[Ashley POV]
Nakadapang natutulog pa rin siya ngayon. Hindi ko pa siya ginigising masyado pang maaga para maghapunan. Dahan dahan akong sumampa sa kama, nahiga ako palapit sakanya saka ko hinaplos ang malambot niyang buhok. Ang amo ng mukha niya kapag natutulog, napapikit na lamang ako nang maalala ko ang nangyari kagabi.
Binangungot nanaman siya..
Sa loob ng dalawang buwan kong pamamalagi dito, mga lima yata o anim na beses na nangyari ang insedenteng iyon, at sa totoo lang halos pinupuno ng takot at kaba ang dibdib ko kapag nangyayari yun. Kaya nga kahit doon niya ako pinapatulog sa kabilang kwarto eh pinipilit ko talagang matulog sa tabi niya. Natatakot kasi ako na baka magkaroon nanaman siya ng masamang panaginip tapos wala siyang katabi. Ayokong isipin ang pwedeng mangyari, hindi ko kaya.
"Hmm.."
Narinig kong umungol siya, mag aalala na sana ako nang biglang higitin niya ang kamay ko, niyakap niya ako at idinantay niya ang binti sa akin.
"PJ.."
"Anong oras na?"
"7 pm."
"Okay." Sagot niya saka siya sumiksik sa may leeg ko.
"Ashley.."
"Po?"
"Punta tayo sa beach."
Nabigla ako sa sinabi niya. Sembreak kasi ngayon kaya 1 week kaming walang pasok.
"Talaga?" Excited kong sabi.
"Yup."
"Talagang talaga??" Paninigurado ko, natawa naman siya.
"Opo." Sabi niya saka niya hinalikan ang leeg ko na ikinakislot ko.
Inalis niya ang pagkakabaon ng mukha niya sa leeg ko saka niya ako tinignan.
"Kailan tayo aalis?"
"Mamayang madaling araw."
"HUH?!"
Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga ko.
Anong mamayang madaling araw na pinagsasabi nito? Nagbibiro ba siya? Tiningnan ko siya at nakakunot lang ang noo niya sa akin.
"Anong problema?"
"Nagbibiro ka lang ba?"
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...