Chapter 9

60.4K 652 53
                                    

Babala: Pakipikit ng isang mata.



[ASHLEY POV]


Hinapit niya ang bewang ko at hinalikan niya ako ng mariin. Nalalasap ko ang lasa ng mouth wash niyang gamit. Hinayaan ko lang angkinin niya ang labi ko. Maya maya ay naramdaman ko na dinilaan niya ang aking pang ibabang labi ko. Hindi ko mapigilang tumugon nang gawin niya yun, napaka senswal ang paghagod ng mainit at malambot niyang labi sa akin. Maging ang init na nagmumula sa hubad niyang katawan ay ramdam ko rin.


"PJ.."


Sambit ko sa pagitan ng paghahalikan namin. Kinagat niya ang pang ibabang labi ko at kusa kong binuksan ang bibig ko para sakanya. Mas hinapit niya ang bewang ko sakanya. Hindi ko mapigilang mapaungol nang mas lumalim ang paghahalikan namin.


Napaungol siya nang mapayakap ako sa batok niya dahil ano mang oras yata ay mapapaupo ako dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko. Napakislot ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa kanang hita ko. Hinihimas niya ito at pinipisil nang paulit ulit na ikinataas ng balahibo ko. Habang ginagawa niya iyon, ay  pinaglakbay niya ang labi niya sa pisngi ko, panga ko hanggang mapunta to sa leeg ko. Habol ko ang aking hininga habang patuloy niya pa ring hinahalikan ang aking leeg.


"PJ."


Halos pabulong ko nang sabi sakanya nang itaas niya ang kanang binti ko. Marahang kinagat niya pa muna ang balikat ko bago siya nagsalita.


"Sa kwarto tayo."


Tiningnan niya ako sa mata na para bang hinihingi niya ang sagot ko. Parang nalalasing ako sa titig ng mapungay niyang mata sa akin. Awtomatikong tumango ako. Nakita ko ang kanyang pag ngisi, ipinulupot niya ang dalawang binti ko sa bewang niya. Napapikit ako nang umusog siya paharap kaya napasandal ulit ako sa pader. Mariin siyang nakatitig sa akin. Napalunok ako sa uri ng tingin niya pakiramdam ko mapapaso ako sa mga titig niya.



"Fuck baby, strip for me." Bulong niya sabay kagat ng tenga ko.


Nakagat ko ang pang ibabang labi ko, parang mas uminit ang buo kong katawan nang magsalita siya. Bumitaw muna ako sa pagkakayakap ko sa leeg niya. Inabot ko ang laylayan ng suot kong sando at dahan dahan ko itong hinubad. Rinig ko ang paulit ulit niyang pagmumura habang tinatanggal ko ang aking damit agad na uminit ang pisngi ko sa mga sinabi niya.



"Ang ganda mo talaga kapag namumula ka.."



Sumilay ang isang ngiti sa labi niya saka siya yumuko at hinalikan ako.  Malumanay lang ito. Ipinulupot ko ang kamay ko sa kanyang leeg nang maya maya ay nagsimula na siyang maglakad.


Halos isinasandal niya ako sa pader na madadaanan namin. Parang siyang sabik na sabik sa paraan ng paghalik niya sa labi ko. Napapasabunot ako sa buhok niya habang patuloy siya sa pagbibigay sa akin ng maiinit at mapupusok na halik.


Naramdaman ko ang pag akyat niya sa hagdan. Napamulat tuloy ako, nakapikit pa rin siya habang patuloy pa rin akong hinahalikan. Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya at bahagyang lumayo sakanya, nakita ko pang hinabol niya ang labi ko bago niya minulat ang kanyang mata.


"PJ baka mahulog tayo."


Hindi siya nakinig at muling inangkin ang mga labi ko.


"PJ ano ba baka ma aksidente tayo sa ginagawa mo." Seryosong sabi ko nang ilayo ko ulit ang mukha ko sakanya.


"Wala ka bang tiwala sa akin?" Inis niyang sabi.


Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon