SPG
[Ashley POV]
Nagising ako nang may maramdaman akong nakakakiliti sa may bandang leeg ko. Inaantok na iminulat ko ang aking mata.
"Paris Jae.." Paungol kong sabi nang gumapang ang mainit niyang kamay sa may likod ko pababa sa may pang upo ko at marahang pinisil niya ito.
"Ang bango mo.." Mahinang sabi niya habang hinahalikan niya ang leeg ko pababa sa balikat ko.
Lihim kong inikot ang aking mata. Inayos ko ang kumot para matakpan ang hubad kong katawan saka ako humiga patalikod sakanya. Agad naman niya akong niyakap mula sa likuran.
"PJ gusto ko pa matulog.." Reklamo ko.
Paano naman kasi hindi niya ako tinigilan kagabi. Halos mag uumaga na nga nang maisipan niyang matulog, kung di ko pa siya pinilit na matulog dahil wala na akong lakas ay hindi niya ako titigilan, juskong lalaki to.
"Baby.." Pabulong niyang sabi saka niya dinampi ang basa niyang labi sa batok ko.
Nakagat ko ang labi ko. Ito na nga bang sinasabi ko eh.
"PJ naman eh.. isang oras lang patulugin mo pa ako.." Muling reklamo ko sakanya.
"Eh di matulog ka pa, okay lang.." Mahinang sabi niya habang naglalakbay ang labi niya sa batok ko papunta sa leeg ko na nagdulot sa akin ng kakaibang kilabot.
"Anong okay lang? Paano ako makakatulog eh yung kamay mo gumagapang." Sarkastikong sabi ko. Wala na, nilipad na talaga yung antok ko. Talaga naman oh.
Narinig ko ang mahina niyang tawa. Nanggigigil na niyakap niya nalang ako at muling hinalikan niya muli ang batok ko.
"Sorry, baby.. ang bango mo kasi eh.. hirap pigilan." Mahinang sabi niya.
Di ko mapigilan na mag init kapag tumatama ang mainit niyang hininga at labi sa batok ko kapag nagsasalita siya.
"Ewan ko sayo.." Sabi ko nalang. Pumikit nalang akong muli. Sana muli akong dalawin ng antok.
Mga ilang minuto na naghari ang katahimikan bago siya muling nagsalita.
"Baby.."
Rinig kong sabi niya sa tapat ng tenga ko. Hindi ko siya pinansin.
"Baby.." Muling sabi niya pagkatapos ay marahang kinagat niya ang punong tenga ko.
Shit.
"Hm.."
"Sobrang pagod ka ba talaga?" Nag aalalang sabi niya.
Di ko napigilang paikutin ang mata. Naka lima yata kami kagabi tapos nagtanong pa talaga siya.
"Oo, sobra.." Sagot ko.
Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
"Okay.. sorry, baby.." Sabi niya pagkatapos ay niyakap niya ako nang mas mahigpit. "Good morning.. Sige tulog ka pa. Gisingin kita mamaya." Mahinang sabi niya saka niya hinalikan ang balikat ko.
Di ako sumagot. Naramdaman kong inalis niya ang braso niyang nakayakap sa akin. Muli kong narinig ang malalim niyang pagbuntong hininga.
"Damn it.. I'm fucking horny.." Madiin pero mahinang sabi niya.
Muli ay nakagat ko ang labi ko. Kanina ko pa kasi nararamdaman ang nag uumigting niyang kahandaan na nakadiin sa may pang upo ko.
Minulat ko ang mga mata ko nang may sumagi sa isip ko. Pinakiramdaman ko siya, natulog ba siya ulit?
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...