[Ashley POV]
May tinatype siya sa laptop niya nang pumasok ako sa loob ng kwarto. Katatapos ko lang mag ayos sa baba at maglinis ng sarili. Naupo ako sa kama habang nagsusuklay pa rin ako ng buhok ko. Hindi ko namalayang napatulala na pala ako kung hindi niya pa ako tinawag.
"Ang lalim yata nang iniisip mo.."
Napalingon tuloy ako sa gawi niya. Nakatingin siya sa akin medyo nahiya tuloy ako. Kanina niya pa ba ako tinitingnan?
"Hm hindi naman.." Mahinang sagot ko sakanya.
Kumunot ang noo niya pero mabilis din lang itong nawala. Inalis niya ang salamin niya sa mata at pinatong niya ito sa ibabaw ng study table katabi ng laptop niya. Tumayo siya at saka naglakad papunta sa akin.
"Oh bakit?" Agad na tanong ko sakanya nang tumabi siya sa akin.
"May problema ba?" Tanong niya pagkatapos niyang iyakap ang kanang braso niya sa bewang ko.
"Wala naman.. sige na balik ka na sa ginagawa mo.." Sabi ko sakanya nang nakangiti.
Naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya sa bewang ko.
"Common.. spill it.." Malambing niyang sabi habang dinadama ng ilong niya ang pisngi ko. Napabuntong hininga tuloy ako.
"Wala naman.. namimiss ko lang sina Auntie at Uncle.." Mahinang sabi ko.
"Pwede ka bang magkwento?"
Napaligon naman ako sakanya.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sayo.. gusto kitang makilala nang lubos.." Malumanay niyang sabi.
Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko nang salubungin ko ang mga titig niya. Hindi ko alam pero natouch ako sa sinabi niya.
"Sige.." Sabi ko sakanya nang nakangiti.
Umakyat siya sa kama at hinila niya ako nang marahan. Inayos niya ang mga unan sa may headboard ng kama at humimlay kami roon. Nilagay niya naman ang braso niya sa ilalim ng ulo ko kaya mukhang inaakbayan niya tuloy ako.
"Namimiss ko na talaga sila.." Malungkot kong sambit.
"Okay lang bang magtanong?" Mukhang alanganin niyang sabi.
"Ano yun?"
"Nasaan ang mga magulang mo?"
Napatigil ako sa tanong niya pero sinagot ko pa rin ito.
"Si Nanay? Clarine ang pangalan ng nanay ko. Namatay siya sa isang car accident. Sampung taon palang ako nun. Simula nang araw na yun sina Auntie Claire na ang nag alaga sa akin. Di ko naman kasi kilala ang tatay ko.."
"I'm sorry.." Malumanay niyang sabi pagkatapos ay hinalikan niya ang ulo ko.
"Okay lang. Matagal na rin naman yun.." Mahinang sabi ko.
"Hm.. maayos naman ba ang pakikitungo sayo nina Aling Claire?"
Napabuntong hininga ako sa tanong niya.
"Oo. Ni minsan hindi ko naramdaman na ibang tao ako sakanila. Parang tunay na anak nga ang turing nila sa akin eh. Binusog nila ako ng pagmamahal at kasiyahan. Nandiyan lagi sila sa tuwing nalulungkot ako.." Mahinang sabi ko at hirap na nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan. Naluluha kasi ako sa tuwing naiisip ko sila.
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...