[Ashley POV]
Hindi ako makagalaw sa sobrang pagkagulat. Paano niya nakuha ang ideyang iyon? Paano niya nalaman?
"Paano mo nalaman?" Kunot noong tanong ko sakanya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.
"Bakit bawal ko ba malaman?"
"Ano, hindi naman sa ganoon, ano nagulat lang kasi talaga ako saka-"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang paikutin niya ako paharap sabay hapit sa bewang ko palapit sakanya.
"PJ.."
"Shh.."
Pag aalo niya sa akin. Nginitian niya lang ako saka niya nilapit ang mukha niya.
"Happy 18th Birthday babe.."
Malambing niyang sabi saka niya nilapat ang labi niya sa akin.
***
Nandito kami ngayon ni Bri sa loob ng cottage na kinuha ni PJ kasama namin si Ate Grace na kasalukuyan ngayong nag iihaw ng barbeque sa labas. Yung apat naman na lalaki ay nasa may tapat lang naman ng cottage, naglalaro ng volleyball.
"Kambal may kasalanan ka sa akin." Seryosong sabi ko sakanya.
Napatigil naman siya sa pag aayos ng ibang pagkain.
"Hala? Inano kita?" Kunot noong baling niya sa akin.
"Ikaw ba nagsabi kay PJ na birthday ko ngayon?" Tanong ko habang naghahanda rin ng mga pagkain.
"What the, paano mo nalaman yun?" Maghang mangha na sabi niya at talagang may patakip takip pa siya ng kamay sa bibig niya.
"Umayos ka nga." Saway ko sakanya.
"Aray naman talagang kailangan batuhin ng kalamansi?"Asar niyang sabi.
"Ikaw kasi, napagastos pa tuloy yung tao nakakahiya tuloy." Mahinang sabi ko.
"Hoy for your information, hindi ko naman sinabing mag outing tayo noh, ang sabi ko lang sakanya magpapatulong ako sa birthday mo."
Iniwan niya ang ginagawa niya at tumabi siya sa akin.
"Actually, wala na nga akong natulong eh dahil nang sabihin ko sakanya ang tungkol sa birthday mo agad na siyang nagplano, siya ang nag prepare at umayos ng lahat para matuloy tong celebration mo."
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...