PROLOGUE

90 10 16
                                    


—P R O L O G U E—





Isang babae ang nasa music room habang kumakanta. Ang boses niya ay mala-anghel na mula sa langit at tila kabababa pa lamang sa lupa. Kita sa mga mata niya ang lungkot, pag-iisa at panghihina sa lahat ng bagay na kaniyang pinagdaraanan. Ang pagkanta ay ginagawa na niya lamang upang kahit papaano'y mabawasan ang kaniyang kalungkutan.


Nagsimula siyang kumanta pagkatapos ng isang malalalim na paghinga at hinarap ang kanina pang nakahandang mikropono para sa kaniya.



(NOW SINGING: I'll Be There / Julie Anne San Jose)



"🎵First time I laid my eyes on someone like you

I can't forget the hour, that moment with you

Then I have realized, love's growing deep inside

I feel the beating of my heart🎵"





Napapaisip siya. 'Makakatagpo kaya ako ng isang tao na magmamahal sa akin ng totoo? May mapupunta kaya sa aking isang tao na magpaparanasan sa akin ng mga hindi ko pa nararanasan? May isang tao pa kaya na maaalayan ko ng kanta bago ako tuluyang di makakanta?'






Sa kabilang banda, isang lalaki na mababa, medyo pasaway, at matakaw kumain ang napadaan sa music room. Mayroon kasi siyang hinahabol, yung kaibigan niya dahil inaasar siya nito. Iritang-irita siya ngunit nang kaniyang marinig ang isang mala-anghel na boses ay napahinto siya.






"🎵'Cause every day, every night

I keep looking up the skies

And I pray that someday you will wake up in my arms

And love will never end

We belong together, always and forever

Call my name and I'll be there🎵"





Hindi niya makita ang mukha ng babae pero rinig na rinig niya ang magandang boses nito. Nawala yung inis na kaninang dala niya dahil sa pang-aasar ng kaibigan niya sa kaniya sa unang dalawang buwan nila bilang junior high school.


Simula pa lang ay wala na siyang balak na kilalanin lahat ng kaklase niya. Wala siyang balak na makipagkaibigan sa kung sino man. Sapat na sa kaniya yung isa basta totoo. Pero mukhang mababago ang balak niyang iyon.




"🎵Spending my days and nights just thinkin' of you (thinkin' of you)

How you make me wanna smile with the things that you do (with the things that you do)

When will I hear you say? (Hear you say)

Love's coming on your way (love's coming on your way)

And that you start to feel the same🎵"





Ngunit ang babae ay napaisip ulit sa gitna nang pagkanta niya. 'Isang lalaki lang naman ang gusto ko, basta yung totoong kaya akong tanggapin kung ano man ako ngayon, at sa mga susunod pang araw hanggang sa matapos ang buhay ko. Hindi ko kailangan ng maraming taga-hanga kundi isang tao lamang na handa akong ipaglaban kapag kailangan.'




Ngunit hindi lingid sa kaalaman niya na malabong mangyari ang mga bagay na iyon. Kahit bata pa lamang siya ay may paniniwala na siya na hindi lahat ng tao kayang maging totoo sayo, hindi lahat kayang tanggapin ka ng buo, hindi lahat ng tao palaging nandiyan para sayo sa oras na kailangan mo sila, turo ng kaniyang ina.




The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now