WAITING 20(PART 2): Favors

11 2 0
                                    


//RENZ's POINT OF VIEW//

"This one." sabi ni Vince habang itinuturo ang isang gitara. "That is nylon kind of gitara. Gamit yan, you can easily learn playing guitar especially you are just a beginner." dagdag niya.

I'm in the mall with him. As if naman mapipigilan ko siyang sumama sa akin. Baka hindi na niya ako turuan kapag hindi ko siya nilibre. Pagkain lang naman katapat ng isang ito.

"Okay, I'll buy that." Kinuha ko yung gitara na tinuro niya.

"Teka, seryoso?? Ang mahal niyan." angal niya.

"Oo, mahal nga."

"Yes, mahal."

"Bakit ba kasi mahal?"

"Hindi ko alam mahal e." sagot niya. "Kain na lang tayo, mahal. Gutom na ako e."

Automatiko akong napalingon sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. "What did you just call me?"

"Wala, sabi ko, bayaran mo na yan at kakain na tayo." sabi niya at natatawang tinulak ako paalis.

Crazy.

Binayaran ko naman kaagad yung gitara at lumapit sa kaniya pagkatapos. Pinangunahan niya ako sa paglalakad. Malamang na naghahanap na ito nang makakainan. Buti na lang at dinagdagan ko yung pinapalitan ko sa bangko.

Pinasok niya ang isang kainan na hindi man lang tumitingin kung mamahalin ba o hindi. Sumunod na lang ako sa kaniya na lumapit sa counter para mag-order.

"Yung ituturo ko sayo bukas, yung mismong kung paano itutugtog yung Can't take my eyes off you sa gitara." pagsasalita niya habang kumakain kami. "Kapag memorize mo na yung kanta, hindi ka na mahihirapang aralin ang paggigitara."

"Oo, alam ko yung kanta." sagot ko. "Pwede mo ba akong sample-an ket chorus lang?"

"Dito? Sus! Ayaw ko. Baka may mainlove pa sa boses ko. Gusto mo ba yun, mahal?" he said and pout.

"Pakialam ko ba kung may mainlove sa boses mo. Sige na kumanta ka na." sabi ko.

Inilapag niya ang kutsara't tinidor na hawak niya at napaigtad ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. "No, sabi ko na magagalit ka. Pag-usapan muna natin 'to, mahal."

'Putspa!'

Hinila ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Magtigil ka nga, Vince."

Tumawa siya. "Sige mahal, kantahan na lang kita para hindi ka na magalit. Kahit labag sa kalooban ko basta para sayo." sabi pa niya.

'Bwesit!! I'm not a gay!'

I glared at him. 

(NOW SINGING: CAN TAKE MY EYES OFF YOU BY: FRANKIE VALLI)


"🎵I love you, baby

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now