WAITING 34: Avoiding

4 1 0
                                    


(MISS AUTHOR: New year, pero puro mga attitudes laman ng  update ko no? Lesson learned haha)



Happy New Year ulit!! Have fun and may your new year resolution come true and successful! ❤🧨





~♡~

//THIRD PERSON's POINT OF VIEW//

"You did great, bestfriend!" sabi niya sa kaibigan. "Ngayon, magkaaway na sila at malabo na siguro silang magkaayos."

"Ako pa? Para saan pa at nag-aral ako ng photography kung hindi ko gagamitin para sumaya ang babaeng gusto ko?" sagot nito sa kaniya at uminom ng juice sabay kagat sa sandwich na hawak nito.

"Thank you! You are really the best!"

"For you, my love." Kumindat ito sa kaniya.

"Now, sulong-sulo ko na siya. Wala ng rason para mangamba pa na iiwan niya ako."

"Sigurado ka ba diyan?"

"Oo naman, hawak namin siya sa leeg no. He can't easily disobey my dad." Umirap siya.

"But, sa pagkakaalam ko at sinabi rin sa akin nong babae, may kompanya sila. Hindi ka ba nangangambang baka makaya kang iwan ng asawa mo dahil mayaman yung babae."

Medyo kinabahan siya sa nalaman ngunit pinanatili niyang kalmado ang itsura niya. Nandiyan ang daddy niya, kampante siyang hindi nito hahayaang mangyari ang bagay na iyon.

"I am so sure. Walang kwenta yung babaeng iyon sa buhay niya kaya paano niya 'yon pipiliin?" Kumibit-balikat lang ang kaharap niya. "Kinakausap mo pa rin ba si Aiziah?" tanong niya dito.

The guy shook his head. "I already blocked her."

"Good. And delete your dummy account too."

"How about your third, scratch that, how about your sixth plan to ruin them?" makahulugang tanong sa kaniya ng kasama.

"I can handle it alone." Pomorma ang mala-baliw na ngiti sa kaniyang labi. "Let's just see if she can still survive on this wonderful gift for her."

Pareho silang humalagpak sa tawa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

//JHENKY's POINT OF VIEW//

Ayaw ko sanang magkapov kaso si Miss Author kasi.

(Miss Author: Ayaw rin kitang bigyan ng pov dito sa kwentong ito pero wala akong no choice.)

Ay ang sama. Ano bang task ko ngayon?

(Miss Author: Palalain mo yung gulo.)

Ay gusto ko yan!

"Jes!! Halika dito dali!!" tawag ko kay Jessica na nasa may tapat ng bintana. Wala pa naman kasi si Sir.

"Bakit? Kita nang naglilinis ang tao e." sabi niya pagkalapit sa akin.

"Sorry naman." Nagpeace-sign ako. "Pero kasi may nangyari ba nitong nakaraan? Hindi ako updated e."

Naglibot siya ng paningin bago ako sinagot. "Wala naman, ky. Yung issue kina Ziah, hindi pa rin natatapos. Yun lang naman."

"As in hindi pa rin nagpapansinan yang dalawang 'yan? Tignan mo oh." turo ko kina Aiziah na nasa bandang gilid ng stage at naglilinis tapos sa nasa bench naman sina Renz at Cassie. Ilang araw nang ganyan yan. Titig na titig si Renz kay Aiziah habang wala namang pake yung isa.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now