WAITING 19: Thinking It's Him

5 1 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

"Oh panyo." Pag-aabot ni Vince ng ika-apat na panyo na hawak niya sa akin. "Ganiyan ba nakakaiyak yang mga yan?" tanong niya at binuksan ang electric fan dito sa kwarto ko.

Suminghot ako bago tumango. Sisipunin na yata ako kakaiyak.

Sinama ko kasi siya dito sa bahay para tulungan akong mag unwrapped na mga regalong bigay sa akin. Buti at wala kaming assignment. Tuwang-tuwa naman siyang sumama sa akin pero nakasimangot na siya ngayon sa harap ko.

"Ito pa, we aren't close but you're such an amazing person I met. Happy Birthday! Keep safe and pretty." pagbabasa ko sa message na nasa likod ng cd na bigay ni Meldred. "Nakakaiyak naman! Alam mo ba na ngayon ko lang na experience ang ganoong birthday celebration in my entire life?" Sabi ko sa kaniya.

Tumango siya. "At subrang ipinagpapasalamat mo yun."

"Syempre naman no!" tuwang-tuwa kong sabi. "Owimjii ang cute nitong winter jacket na regalo ni Jessica! Tapos napakinggan ko na rin yung cd na bigay ni Meldred."

Tumango lang ulit siya. Patuloy ako sa pagbukas ng mga regalo. May necklace, relo, panyo, dress, sapatos, may cellphone pa tapos pinakagusto ko doon ay yung photo album ng idol ko na si Julie Ann San Jose na galing kay Mikka, DIY iyon at na-appreciate ko ng subra.

"Idol mo talaga si Julie Ann San Jose no?" tanong niya.

"Subra! Her voice is so nice! So calmly." nakangiti kong sagot sa kaniya. Ipinakita ko sa kaniya yung tatlong sombrero na hello kitty design. "Hindi ako palasuot nito pero ang cute! Ito yung regalo ng Kuya Prince mo saakin! Di ko alam na alam niyang paborito ko din ang hello kitty."

"Sinabi ko kaya."

Napanguso ako. "Ay sinabi mo."

Tumango siya.

Yung banner nga di ko pa tapos basahin. Saka na siguro. Baka ipahuli ko na.

Nagpunas ako ng luha. Natatawa ako kahit naiiyak ako kasi subrang dali ko talaga maiyak. Bakit kaya ganon?

"Yung regalo ko ba sayo? Nagustuhan mo?" maya-maya ay tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya. "Teka, hindi ko alam kung alin diyan. Alin ba yun diyan?"

Hinalungkat niya yung tambak na mga regalo at may iniahon na isang box doon. Iniabot niya iyon sa akin at ngumiti. Kinuha ko iyon sa kaniya at sinuri.

"Ano laman nito?" tanong ko.

"Go and unwrapped that."

Nginitian ko siya at sinira ang balot ng box. Bumungad ang isang itim na box. Tinanggal ko yung takip ng box at bumungad ang napakaraming confetti.

"Confetti?"

"Design." he chuckled. "Alisin mo na lang yan, teka ito trashcan, tapon mo dito." Inilapag niya sa gilid yung basurahan.

Agad kong inilagay doon ang mga confetti at bumungad sa akin ang isang bracelet at keychain na hello kitty ang design. I smiled.

"Thank you, Panget!!"

"You're always welcome! Meron pa yan." sabi niya.

Tinignan ko ulit yung box at mayroon iyong colored paper na green kaya kinuha ko. Pero hindi lang pala siya basta colored paper kundi parang mini photo album. Excited ko itong binuksan at napaluha kaagad ako ng bumungad ang isang picture.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now