WAITING 9: With Batchmate's Date

6 1 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

Nasa room ako ngayon ng section N dahil nag-aya ako sa mga gustong sumama bukas. Nakapag-promise ako sa kanila noong lunes na unang pagpasok ko dito na ililibre ko sila at ayaw ko namang hindi tuparin iyon. Tuwang-tuwang pumayag ang ilan at tumanggi naman ang iba dahil nakakahiya daw. Hindi ko naman na sila pinilit.

"Naks naman!! Ang yaman na talaga! Kelan ba yan?" tanong ni Maria.

"Nako! Hindi naman, Maria. Nakapagpromise ako sa inyo at tinutupad ko lang iyon." sagot ko.

"Kailan, Ziah? Baka kasi busy kami---"

"Walang busy-busy. Haft day lang naman bukas ng umaga sa park?? Ano game, guys?" putol ko kay Sammy.

"Naks!! G!" tuwang-tuwang ani Meldred. Nginitian ko ito.

Sumang-ayon din ang ibang sasama bukas sa picnic slash date namin. Nag-usap-usap pa kami ng ilang bagay.

"Teka, di ba birthday ni Mikka bukas? Hindi kayo dadalo?" tanong ng isa sa kanila.

"Oo nga no! Pero hapon pa naman daw 'yon. So sa umaga ang picnic tapos party sa hapon! Astig non!"

"Yah, so kita kits sa park!! Treat ko ang mga foods and drinks natin."

"Ako na bahala sa mga tela! Meron kami sa bahay kasi nagpipicnic rin kami ng pamilya ko e." pagv-volunter ni Mark.

"Yeah. Thanks, Mark." sabi ko dito. "Una na ako sainyo. May kailangan pa kasi akong gawin. Basta ahm....8 am tomorrow in the park."

"Sure!"

"Hindi kasama mga kaibigan mo ah! Tayo-tayo lang dapat!" paalala ni Marice, yung elementary bestfriend ko na di ko na masyadong close ngayon. I nod to her and smile.

"Promise."

Nagpaalam na ako at lumabas ng room nila. Sa totoo lang, wala naman na akong gagawin. Palagi ko namang tinatapos ang assignments ko sa bahay pa lang para wala na akong gawin dito sa school. Maghihintay na lang naman ako ng class hour tapos ng lunch break.

"Saan ka galing, babe?" bungad ni Jad pagpasok ko. Nasa room na pala ang isang ito, akala ko nasa cafeteria pa sila e.

"Sa kabilang room lang naman." tipid kong sagot. Lumapit ako sa kaniya at naghila ng upuan. Pagkaupo ko, nangalumbaba ako sa sandalan nitong inuupuan ko at tumitig sa kaniya. "Ang gwapo mo pala talaga sa malapitan, babe..." mahina kong sabi.

Kita ko ang gulat sa mukha niya pagkasabi ko non. Gusto kong matawa dahil sa itsura niya pero pinipigilan ko lang. Totoo na gwapo siya malayo man o malapit kaya nga naging crush ko din ito pero panira lang talaga yung ugali niyan dati. Pero bumabait naman na siya ngayon. Natatawa lang talaga ako sa itsura niya.

Bigla siyang ngumiti nang malawak sa akin at kumindat. "Talaga! Dahil yata dito kaya mo ako nagustuhan no."

Natigilan ako bigla. Ako naman ngayon ang gulat na nakatingin sa kaniya. I can't believe he can turn back to me those teasing. Feeling ko ay namumula na ako dito na ewan o kaya naman lalamunin na ako ng lupa sa subrang hiya ko. Ewan ko ba kung bakit nahihiya at affected pa rin ako sa taong ito.

Tumawa siya. "Thanks sa compliment, babe. Ang ganda mo rin, always." sabi niya.

'His laughs!! Stop me!! Baka atakihin ako sa puso! Chosss.'

Nako!! Bumalik yata ang feelings ko sa lalaking ito. Wag po!! Ang mga tawa niya kasi, nakakaakit na ewan. Hindi ko nga alam kung bakit wala lang girlfriend ang isang ito e ang gwapo naman. Baka bakla siya or kaya'y magpapare?

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now