WAITING 23: Math Contest

10 1 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

"Ito pa, dalhin mo rin itong payong saka dalawang bottled water. Pinagluto rin kita ng pasta para sa baon mo at ulam na menudo para sa lunch mo. Hindi ka pwedeng basta na lang bumili doon. Tapos wag mo ring kakalimutan na uminom mamaya ng gamot. Nasa shoulder bag mo naman palagi iyon."

Kanina pa aligaga kakaasikaso sa akin si Ate Ivy. Simula sa paghahanda ng panligo ko, sa pagplantsa ng susuotin ko, sa paghanda ng pagkain at mga gamit ko hanggang sa pagpapaalala ng mga bagay na hindi ko dapat kalimutang dalhin at gawin.

I smiled at her at pinahinto siya sa ginagawa niya. "Ate Ivy, kaya ko naman pong ingatan ang sarili ko. May mga kasama naman po ako doon." sabi ko. Sinuot ko ang maliit na bag sa likod ko.

"Oh siya sige. Basta wag mong kalimutan yung mga sinabi ko. Malalagot ako sa papa mo niyan." Iniabot niya sa akin ang tumbler ko. "Papahatid ka ba kay Manong?" tanong niya sa akin.

I nod.

"Sige, handa na naman siyang i----"

*BEPPP BEPPP BEPPP*

"Sino naman kaya yan? Teka tignan ko. Oh cologne, wag kalimutan. Tignan mo ulit sarili mo sa salamin." sabi ni Yaya palabas ng pinto para tignan kung sino mang busina nang busina sa tapat ng bahay namin.

Mapangisi na lang akong tumingin sa salamin upang ayusin ang itsura ko at ang pagkakaayos ng uniform ko. Green stripes ang palda ng school namin. May green din sa may kwelyo at ibabang parte ng uniform namin. Ang ganda, favorite color ko pa naman ang green.

Why? It represents nature kasi, and I do love nature. It also represents growth and renewal, being the color of spring and rebirth. Another association is “getting the green light” to go ahead, giving it an association with taking action. Hehe

"Miss Ziah! May sundo ka pala. Lumabas ka na dito at naghihintay na siya." rinig kong tawag ni Yaya sa akin.

'Sundo?'

"Sige po." sagot ko kahit hindi naman niya maririnig.

Wala akong inaasahang sundo ngayon. I always go to school with our own car. Saka ang aga para sunduin ako ng sino man. Kinuha ko ang gamit ko at naglakad palabas ng bahay. Well, I need to be early today, ngayon ang math contest e. Isa sa mga nasasanay sa akin kapag may ganitong mga contest ay ang pagiging maaga sa paghahanda papuntang school.

Isang pamilyar na sasakyan ang bumungad sa akin. Ngiti-ngiti naman akong tinignan ni Yaya. Ewan ko na naman kung bakit.

"Sinundo ka, beh." buong ngiting sabi pa sa akin at mukhang tinutukso ako.

"Natural po iyon kasi kasama ko siya sa contest mamaya. Saka nasa sasakyan na rin si Kimmy oh, tignan niyo." turo ko sa sasakyan.

"Sus! Nagulat ka nga nang makita yung sasakyan. Hindi mo expected na susunduin ka no? Diyan nagsisimula yan."

"Yaya, may girlfriend kaya yan. Saka bestfriend ko lang naman kasi yan." sagot ko. "Aalis na po ako." paalam ko. Baka kasi ano na namang sabihin ni Yaya Ivy e. Marinig pa nila Renz.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now