WAITING 14: Friends Suspicion

5 1 0
                                    


//RENZ's POINT OF VIEW//

Hindi muna nagturo si Sir Kenneth sa amin, pero paniguradong nagturo ang iba naming teacher. Halos lahat kami ay nag-alala kay Aiziah. Nasa clinic ako ngayon na katabi lang naman ng building 4 kasama si Jessica. Nasa magkabilang side kami ng bed ni Aiziah kung saan siya nakatulog.

Hindi naman siya hinimatay, na out of balance lang siya. Pero noong itinayo ko siya ay namumutla siya't parang inaantok pa. Dinala na lang namin siya dito sa clinic para makapagpahinga.

"Ano namang nangyayare dito kay Ziah," nag-aalala niyang sabi at bumuntong-hininga.

I just shrugged and sigh.

"Una, late siya, tapos dadating sa room na hinihingal tapos ngayon naman, nanghihina," puna pa niya.

I just ignore my cousin and look at Aiziah's sleeping face. Ngayon, medyo ayos na siya, hindi na siya namumutla, hindi gaya kanina na parang inubusan ng dugo na hindi mo alam.

"Where is my sister? Aiziah Castros??!"

"Dito, Ms. Castros..."

Napatingin ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Ate Maize sabay hawi ng kurtina na nakaharang sa hospital bed ni Ziah. Kita ang pag-aalala sa kaniya kapatid nang lumapit siya sa amin. Agad naman akong tumayo para makalapit si Ate Maize sa kapatid niya.

"What is the last thing that happen to her?" seryosong tanong niya sa amin, pati sa nurse.

"Na out of balance siya, ate. Namumutla rin siya kanina at nanghihina nang dalhin namin dito sa clinic." pagsagot ni Jessica.

Ate Maize sigh and look at her sister.

"Is she okay now?"

"Yes, Ms. Castros. Kailangan niya lang matulog muna dahil halata sa kaniya ang pagkapuyat. Bakit nga ba siya palaging puyat?" sagot ng nurse.

Natigilan si Ate Maize at hindi inalis ang tingin sa kapatid niya. Parang nawala siya sa sarili at napaigtad nang tapikin ko ito.

Agad siyang tumingin sa nurse at ngumisi. "H-haha h-hindi ko po alam at baka kausap niya lang magdamag yung boyfriend niya kung meron man. Palagi ko pong nakikitang gising yan sa tuwing 12 ng umaga."

"Ganon ba?" pagkumpirma ng nurse.

"Opo, nurse. Wag kayong mag-alala at ma-magiging ayos rin siya." Nginitian niya kami ni Jessica. Tumango si Jessica bilang sagot.

"Just let the patient rest." sabi ng nurse at saka umalis.

Tinignan ko si ate Maize. Kita sa mata niya ang subrang pag-aalala pero bakit ganon siya tumawa kanina? Is she shy of showing her concern to her sister? Or sadyang may ayaw sabihin?

"Ate, bakit nahuhuli nang pasok 'yang si Ziah? Hindi naman ganiyan yan ng nakaraan di ba?" pagtatanong ni Jessica.

"Tinanong niyo na ba siya? Anong sagot niya sainyo?"

'Bakit hindi ikaw ang magsabi sa amin ng rason?'

Tumango si Jessica. "Yes po and sabi niya, napuyat siya kakagawa ng assignment e ate, dalawa lang naman assignment namin at ang dali lang non."

"Siguro o b-baka nanood siya ng thai drama kagabi kaya napuyat. Hayaan niyo na."

"Pwede naman siyang manuod ng movie sa sabado at linggo para hindi siya napupuyat. Masama sa health ang ganon. Bakit hindi niyo po pinagsasabihan?" normal na tanong ko. Hindi ko ipinahahalatang nagdududa ako.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now