WAITING 46: Saving Renzailor

1 0 0
                                    


//VINCE's POINT OF VIEW//

"Thank you, thank you!!" paulit-ulit na sabi ni Tita Zayla kay Lolo Klaiden pagbalik nila sa sala. Kakatapos lang nilang mag-usap.

Nakarating na ang lolo Klaiden niyo sa pinas kani-kanina lang. Galing ibang bansa ang walangjo! Sosyal! Tapos ni walang pasalubong! Aba! Tapos aasarin pa ako nang aasarin niyan mamaya.

Gutom na ako...

Bwesit kasi 'tong katabi ko! Ayaw akong papuntahin man lang sa kusina para kumain. Kung mag uutos naman ako sa mga katulong, pipigilan naman niya at sinisindak pa ang maid. Wala akong pagpipilian kundi tiisin ang gutom.

"Walang anuman po, Mrs. Billamore." sensero pero nakangiting sambit nito.

"I don't know how will I thank you for helping---"

"Kung ano pong hiniling ko kanina, ayos na po ako doon."

Nagkatingin kami ni Daryl dahil sa narinig. Ano kaya 'yon?

Kung pwede lang makiutsyoso e ginawa ko na. Kaso may importante pa silang kailangan gawin.

Sa totoo lang, hindi dapat ako nandito. Dapat ay nasa tabi ako ni Aiziah para alagaan siya. I really want to see her. Kaso ito namang pinsan niya, tudo pigil sa amin. Wag muna daw namin siyang guluhin as if ganon ang ginagawa namin. Kaya nandito ako ngayon. Gusto ko rin masiguro na maililigtas si Renz.

Ket minsan hinihiling ko na sana wag na siyang maligtas.

Char!

Lumakad na sila palabas ng bahay. Kaagad naman kaming sumunod ni Daryl doon. Nanguna ako at sinabayan ng lakad si Lolo Klaiden. Yeah, mukha na siyang lolo ket 17 pa lang siya. Stress ba naman.

"Uy Lolo Klaiden! Ano yung hiniling mo kay Tita Zayla?" pagtatanong ko.

Saglit ako nitong nilingon at tumuloy pa rin sa paglalakad. "Huwag na huwag ka niyang hahayaan sa kusina nila kapag pumunta ka sa bahay nila o kahit dito sa secret house kapag wala ako." Sinulyapan pa ako nito bago buksan ang back seat ng sasakyan ni Tita Zayla.

"Aba!! Grave ka na ah?!" angal ko kaagad. Dali-dali siyang pumasok sa sasakyan kaya ganon rin ang ginawa ko. "Wala ka na ngang pasalubong, nang-aasar ka pa!" inis kong sabi dito.

Umiling-iling na lang siya habang tumatawa at tinuon ang pansin sa telepono. Maya-maya lang din ay sumakay na si Daryl at Tita Zayla. Sa front seat si Tita Zayla, sa middle naman si Daryl at Lolo Klaiden. It means, mag isa ako sa back seat.

Katakot baka may biglang bumaril sa sasakyan namin.

Umandar na ang sasakyan. Wala akong idea kung saan pupunta. Ngayon lamang kasi ako sumama sa kanila. Nitong nakaraan ay mag isa lamang si Daryl na inaasikaso si Tita Zayla. I don't why he still care for that lady after all she done to us.

Kinalabit ko si Daryl para tanungin.

"Dar, saan ang punta?"

To the moon?

Lumingon naman kaagad siya. "Sa abandunadong building kung nasaan si Renz."

Nanlaki ang mata ko. Bakit doon ang punta? Kararating lang ni Lolo Klaiden, doon kaagad ang diretso? Hindi ba pwedeng kumain muna? Wala pa akong almusal at tanghalian!

"WHAT?!" sigaw kong tanong.

"Hoy! Hinaan mo nga yang bibig mo!" mabilis na saway ni Lolo sa akin at masama akong tinignan.

"Hinaan ang bibig!" Napahalagpak ako sa tawa. "Oh Dar! Hinaan mo daw bibig mo!" Mas lalo akong natawa sa sinabi ko.

Hinaan ba naman ang bibig.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now