WAITING 52: Come True

4 0 0
                                    


//RENZ'S POINT OF VIEW//

"Nandito ka na naman?!"

I mocked Klaiden's reaction when he saw me in Aiziah's room, looking at some of her pictures.

"Oo naman, future boyfriend ako e. Ikaw? Ano ka dito?"

Tumigil siya at pinaningkitan ako ng mata. "Future boyfriend mo mukha mo! Baka nakakakimutan mong kamag-anak ako, Mr. Billamore?" mayabang na aniya at pinagtaasan pa ako ng kilay bago siya umalis.

Napailing na lang ako at binalik ang tingin sa mga cute pictures ni Aiziah. Naka photo album kasi 'yon na nakita ko lang sa may ibabaw ng kabinet kaya kinuha ko.

Naliligo pa si Aiziah. Late na kasi siya nagising, kung hindi pa siguro ako pumunta dito ay walang gigising sa kaniya para pumasok sa school. Baka ma-late kami nito. Kinatok ko na nga, tagal niya maligo lagi.

"Babe, bilisan mo na! Mali-late na tayo." kalmadong tawag ko pero kinakabahan na, wala pa kasi akong late na attendance.

"I-Ito na," rinig kong sabi niya.

Natigilan ako nang makarinig ng hikbi pagkatapos niyang magsalita. Siya ba 'yon?

"Babe? Ayos ka lang? Buksan mo 'to!!"

Kinatok ko ang pinto pero hindi niya pa binubuksan. Nawala rin kaagad ang hikbing narinig ko pero sigurado ako na siya 'yon. Pero bakit siya umiiyak?

Nagbukas ang pinto ng comport room niya pero nilagpasan niya lang ako nang lumabas siya at dumiretso sa mga essentials niya. Sumunod ako sa kaniya.

"Babe, what's wrong?" I asked.

Umiling lang siya at kinuha ang suklay at mabilis na sinuklay ang buhok niya. Tinigil niya na kahit magulo pa ang buhok niya at naglagay na ng powder at perfume. Ang bango ng feminine perfume niya, sarap amuyin.

Pilit niya akong nginitian at naunang lumabas sa akin. Sumunod na lang ako sa kaniya at sabay kaming pumunta sa school. Buti at pinapasok pa kami nong guard.

Noong mga nakaraang linggo ay ganoon din siya. Hindi ko lang pinapansin, baka kasi stress lang sa studies lalo na at malapit na ang recognition. Binibigyan na kami ng maraming mga performance task at research. Ganon siguro, stress lang siya. But I am always there for her, relieving her stress and making her happy.

"Vince!" tawag ko dito nang makita ko. Uwian na kasi sila pero wala pa rin si Aiziah.

Lumapit siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. "Bakit?"

"Si Aiziah?"

Lumingon siya sa likod niya at gulat na binalik ang tingin sa akin. "Hala, akala ko nakasunod na sa akin. Tinulungan ko na ngang maglinis 'yon kasi 'yong mga kagroup niya e hindi naman siya tinutulungan."

Nainis ako dahil doon. Palibhasa wala silang alam kaya kung iasa nila ang paglilinis kay Aiziah e parang ang lakas nong tao.

"Teka balikan---"

"Ako na, tol. Salamat sa pagtulong sa kaniyang maglinis." I tapped his shoulder at nilagpasan na siya.

"Sanaol may nagsusundo! When kaya?" dinig ko pang aniya habang tumatawa hanggang sa makalayo ako.

Pinuntahan ko na si Aiziah sa room nila. May mga bumati pa sa akin at minsan na lang daw nila ako makita dahil sa layo ng room ng STEM sa ibang strand. Kinausap ko lang saglit pero iniwan din dahil sa pagmamadali. Kapag nalaman ko talaga kung sino yang mga katulong niyang cleaners na tinakasan siya, ipapaprincipal's office ko talaga. Bwesit!

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now