WAITING 53: The Last Waiting

9 1 0
                                    


//RENZ'S POINT OF VIEW//

"Lols! Hindi pa rin!"

Natatawa kami sa paulit-ulit na sagot ni Vince sa pangungulit ni Mikka. Tinanong niya kasi kung sino daw ba yung babaeng gusto niya at kung may balak ba daw itong magjowa. Mamaya ay maiirita na ito, tumatawa lang ngayon.

"Ikaw na lang ata ang napag-iiwanan sa squad e! May mga jowa lahat!" Tumawa si Mikka.

"Si Ja---"

"May nililigawan ako!" agad na putol ni Jad kay Vince.

Pare-pareho kaming napatingin kay Jad. Himala ata. Ngayon ko lang narinig sa kaniya yun or namin, ngayon lang namin narinig sa kaniya iyon. Sino naman kaya?

"Sino kaya 'yong kawawang babaeng 'yon? Tiyak e mauubos ang pera non." ani Vince na nagpatawa sa amin.

Nakatanggap siya ng masamang tingin kay Jad at inambahan pa nang suntok na kaagad nitong iniwasan.

"Kingnamoka! Hindi ako ganon. Ako pa nga ang nauubusan ng pera dahil sa kaniya. Ubos allowance ko!" pagrereklamo nito.

"Sumbong kita kay Cya---"

Hindi natuloy ni Vince ang pag bunyag sa pangalan siguro nong nililigawan ni Jad dahil sa pagtatakip nito sa bibig nito.

Nagtuloy sila sa pag-aasaran. Tumatawa na lang ako kapag may nakakatawa silang sinasabi. Inaasar pa rin nila si Vince na hanggang ngayon ay walang girlfriend o kahit nililigawan man lang. Kelan kaya nito balak manligaw? Yun talaga ang hinihintay ng squad. Kilala niyo naman 'yon.

Itinuon ko ang tingin sa katabi ko. Tahimik lang siyang nakikinig at paminsan-minsan na tumatawa kasabay ng squad. Inakbayan ko siya.

"Tahimik natin ah," pabirong ani ko.

Ngumiti lang siya saglit ngunit hindi na rin nagtagal ang tingin niya sa akin at nilibot iyon sa paligid. We're in the mini hill today. Nagcecelebrate ng sabay-sabay, birthday kasi ni Mikka, Aiziah, ng twins, Jessica at Cassie ay September. They want to celebrate this, i don't know what it for e dumalo naman sila sa birthday ng isa't isa.

Laking bilib ko sa squad namin. Kahit na hiwahiwalay ang mga strand namin ay nagkakasama pa rin kami. Yun nga lang, dahil sa subrang busy sa mga strand, hindi na madalas magkita. May pinapagawa pa nga sa amin na hindi ko pa tapos gawin.

"Babe..." Inagaw ko ang atensyon niya.

Nakangiti ulit siyang tumingin sa akin. Lagi na lang siyang nakangiti. That's what I love on her. Kaso kadalasan, sa mga ngiti niyang iyan ay may nakatagong lungkot.

"Iniisip ko yung research namin. Nakakastress!" reklamo ni Aiziah sa akin.

Stress nga siya, late pa kaming pumunta dito dahil late na siyang nagising. Inaantok pa nga at nanghihina.

"Hey! Hindi halata sayo na stress ka. You're still pretty!" I said and smile widely para maniwala siya. Totoo naman din. Hiyang-hiya naman yung mga unfinished works ko sa bahay.

Napanguso siya. "Bolero!"

I chuckled and just hugged her. I missed her so much. Alam ko maikli lang ang isang buwan para sa iba pero para sa akin, parang ilang dekada na rin 'yon. Gusto ko kaagad na sulitin ang mga araw na darating kasama siya.

"Happy Birthday sa inyo! Uuna na kami!" paalam ko sa kanila habang nakaakbay kay Aiziah. Aiziah also greet them.

"Owshi sanaol na lang talaga hatid-sundo!" Kimmy teased us.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now