WAITING 6: About Last Year

8 1 0
                                    


//JESSICA's POINT OF VIEW//

"Owimjii!! Kelan!? Gusto ko na kasi ulit makita ang dalawang iyon!! Alam mo naman." excited na tanong ni Aiziah.

Hi muna pala!! Ako nga pala si Jessica Victorio, ang almost 3 years ng kaibigan ni Aiziah. Yung friendship namin, hindi ganon ka perfect dahil bihira lang kaming mag-usap niyan. Meaning to say, bihira lang kami magkwento sa isa't isa tungkol sa mga buhay namin pero swear, ang ganda niya kasama.

Kaya nalungkot ako nang ilang araw siyang di sumabay sa amin dahil gusto niyang mapag-isa kahit na hindi naman din sumasabay sa amin si Renz, ang gwapong-gwapo kong pinsan. Pero ngayon, kasabay na namin ulit siyang magrecess.

Iyon nga, binalita ko sa kaniya na ininvite siya ni Justin, kababata namin ni Renz sa party nito bukas. Sabi pa nga sa akin ay kung may isasama pa daw ako ay isama ko na so bukas, bitbit ko ang buong section M este ang buong squad ko pauwi.

"Bukas birthday niya, Di ba?" tanong ni Vince.

"Hala! oo nga pala! Pero bessy...." Tinignan ko si Aiziah at nagtaka ako nang makitang malungkot ang reaksyon ng mukha niya. "Sure ka ba na invited talaga ako? Baka naman masira ko lang ang mood niya niyan?" nag-aalalang tanong niya.

"Dahil pa rin ba doon sa nangyari last year?" mahina kong tanong sa kaniya. Kaunti lang kami ang may alam noon at nasa cafeteria pa naman kami, madami ang tao.

Sunod-sunod siyang tumango at bumuntong-hininga. Dati kasi, may nakausap na babae iyang si Ziah at nagkwento sa kaniya na parang may something sa kanila ni Justin. And then hindi sinasadya na nakwento niya iyon kay Jhenky noon at nabasa ng girlfriend ni Justin kaya nag-away iyon at nagbreak siguro, kung tama ang naalala ko.

Si Aiziah ang sinisi noon ni Justin kaya sila nagkaaway ng girlfriend niya. Hindi naman daw kasi totoong may something sa dalawa at namisinterpret lang ni girl ang nangyari. Pero alam ko ngayon na napatawad na ni Justin si Aiziah at Justin and his girlfriend are still together pa naman.

"Ang tagal na non, Ziah." sabi ni Jhenky. Tinanguan siya ni Aiziah at ngumiti.

"For sure napatawad ka na niya. Hindi ka naman niya iinvite kung hindi di ba?" sabi naman ni Vince, yeah alam niya din dahil si Vince ang naging karamay noon ni Aiziah, na kahit kami ni Jhenky ay hindi niya malapitan dahil medyo nainis rin kami sa mangyari.

"Mmm tama naman kayo. Sige attend tayo bukas! Namiss ko kasi talaga siya." naging excited muli ang tuno niya.

"Ayon oh! Kasama kami diyan, right? Jess?" sabat ni Mekayla.

"Oo naman, Mek! Pati kayo, Daryl, Mikka, Charrie, Kambal at Kimmy, sama kayo bukas ah? Bukas ng hapon." isa-isa kong pagimbita sa kanila.

Umiling si Mikka. "I'm so sorry, Jess. I can't go tomorrow afternoon with you, guys. I'm about to prepare for my birthday too, remember?"

"Owimji! Advance happy birthday, bebs!" bati ni Aiziah.

"Thank you, Ziah."

"Ayos lang naman, bebs. Bonggahan mo na lang paparty mo para makabawi sa amin." pabiro kong sabi. Ngumuya pa ako ng biscuit at tumawa.

"Sure! Punta kayo ah?" anyaya niya.

"Umaga pa lang nasa bahay niyo na ako bebs kumakain!" pasigaw na sabi ni Vince.

"Sira! Wala pang ganap sa umaga. May nakita ka bang party na umaga?"

"Meron no!"

"Tsk," irap ni Mikka.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now