WAITING 31: Wonders

5 0 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

Napilitan akong lumayo sa kaniya. Buti na lang at may umawat kaagad sa kanila bago pa sila magsuntukan. Hindi pwedeng umabot sa puntong iyon dahil maaaring matanggalan ng titulo si Renz sa pagiging modelo at campus famous. Napakahalaga pa naman daw ng bagay na iyon sa pag-aaral niya.

"Don't you ever say any word to us especially when you don't know the real story behind that viral pictures. All of you! You don't have any right to judge us." sabi ni Renz sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Bakit palagi na lang niyang sinasabi na hindi namin alam ang totoong pangyayari? Bakit sa tuwing may ganitong sitwasyon ay iyon palagi ang idinadahilan niya. May nililihim ba siya sa amin? This past few days, naninibago ako sa kaniya.

"Bitawan niyo ako." mariin niyang sabi sa dalawang students na may hawak sa kaniya. Nagtinginan pa muna ito bago binitawan si Renz.

Lumakad ito palayo kaya hinabol ko. Wala akong pakialam kung pati ito ay bibigyan nila ng malisya.

"Renz, wait!"

Pero hindi niya ako nilingon. Bago pa siya makapasok sa room ay hinablot ko na ang braso nito at iniharap sa akin. Kunot-noo niya akong tinignan.

"Why?" he asked me coldly.

"I'll let you explain now." sabi ko sa kaniya. Binitawan ko na ang braso niya.

Umiwas siya ng tingin. "Sorry but not now that I am not on my mood." sagot niya at tuluyang pumasok sa room papunta sa chair niya.

Sumunod ako. "But I need--"

"Magfucos ka muna sa ibang bagay. Don't mind me." Kinuha niya ang bag niya sabay labas ng room.

Tinignan ko na lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Matamlay kong kinuha ang shoulder bag ko at lumabas na rin para mag snack ng mabilis. Kailangan na naming simulang mag-ensayo.

Kaunti lang kinain ko, nawawalan ako ng gana. Hindi rin ako nakipag-kwentuhan sa kanila, wala namang bago. Hindi talaga ako umiimik kapag wala ako sa mood.

After lunch, matapos kumain ay napagdesisyunan na sa room ng section O at P magpa-practice. Pinagbawal sa mga second floor ng buong building ang ibang grade level. Halimbawa na lang, sa building namin, bawal tumambay ang mga grade 7-9 at Senior High School.

Nasa section P ang mga singers tapos sa section O naman ang mga sasali sa games. Hati ang apat na president sa pagbabantay.

"Babe, practice na tayo." paulit-ulit na kalabit sa akin ni Jad.

"Mamaya na, nanonood pa ako sa kanila oh." sagot ko habang nasa red dragon band ang tingin na nagpapractice nang kakantahin nila. Halos lahat ng drummer, vocalist at guitarist ay nasa grade level namin, no wonder if we win.

Pero hindi talaga ako nakikinig. Pinagsasama-sama ko ang mga detalye sa utak ko. Ewan ko ba, nagkakaroon ng puzzle na nagiging dahilan para sumakit ang ulo ko.

"Sus, nag-aalala ka lang kay Renz e." Napanguso siya. "Bakit kasi hindi mo binigyan ng pagkakataong magpaliwanag yung tao tapos ngayon, mag-aalala ka at mag-iisip ng kung ano-ano diyan."

Nilapit ko ang upuan ko sa kaniya. "Didn't you notice?"

"Huh? Alin?"

"Parang may hindi sila sinasabi sa atin. Everytime na napag-uusapan ang tungkol kay Renz at Clarisse, iwas na iwas sina Renz, Cassie at Kimmy, pati nga rin si Daryl at Vince nitong mga nakaraang araw. Tuwing may mababanggit na kung ano ang isa sa kanila ay pinuputol naman nong isa. So weird." Binulong ko lamang sa kaniya ang mga iyon.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now