WAITING 37: Fear has Happened

3 0 0
                                    


//RENZ's POINT OF VIEW//

Iniwan muna naming lahat si Aiziah sa room dahil bukod sa walang magbabantay, utos na rin ng best bestfriend niyang si Vince. Wala akong ideya kung bakit pinaiwan sa room 'yon. Buti at kasama niya si Raven doon, magiging maayos siya kung ano mang gumugulo sa isip niya.

Nasa hall kami ngayon at simula na ang part 2 ng event. Still, the guest are here, may pa-contest games ulit sila kaso talo yung section namin sa Lights, Camera, Action. May nagperform pagkatapos nang unang laro.

"Ang galing din nilang sumaway no?" rinig kong puna ni Kimmy. "Uy Vince, wala ka bang natitipuhan sa mga 'yon?" Tinanong niya ito habang diretsong nakatingin sa stage.

'You're hurting yourself, Kimmy...'

"Wala no! Magagaling lang sumayaw yan pero yung ugali, ang sasama naman." singhal ni Vince. Yung sumasayaw kasi ay yung dalawa sa nakita namin sa music room noon at pinag-uusapan kaming dalawa ni Aiziah.

"Loyal yan do'n sa babaeng mahilig kumanta!" Jad tease him. "Reveal reveal din 'pag may time. Sino ba kasi 'yon, tol?" Kinulit niya si Vince.

"Wala! Tsk, tantanan niyo sabi ako sa topic na 'yan!" iritang sabi ni Vince.

Tinawanan siya ng mga kaibigan namin. Nanatili ang mga tingin namin sa sumasayaw.

Napansin ko kanina na parang hindi mapakali si Aiziah. Nang bumaba siya sa stage at maupo dito sa mga seat, ang likot niya. Imposible na dahil sa akin 'yon at masakit mag-assume.

Ano ba kasi talagang ginagawa nila tuwing aalis na magkakasama? Naalala ko ring ganyan sila simula noong lunes, maagang nagpapaalam sa adviser namin at sa head teacher kapag uwian.

Nag-aalala ako, oo! And I'm still blaming myself. Ginagawa nila ang ano mang bagay, maiwasan lang ako. At ang sakit non, sa tuwing umiiwas siya sa akin, gusto ko na lang sumuntok sa pader or iuntog yung ulo ko sa pader. Bwesit!

Napaigtad ako at gulat na lumingon sa kanan ko nang mayroong kumalabit sa akin. Yung yaya ni Raven na hingal na hingal.

"A-ano pong nangyari? Bakit po kayo hinihingal? Ayos ka la---"

Nanginginig ang kamay nito na nagpakaba sa akin. "Si Ms. Aiziah, sir! Si Miss Aiziah n-nahimatay!!"

"What!?"

Napatayo ako sa subrang kaba, ganon rin ang mga kaibigan ko dahil malamang narinig nila. I saw Vince run faster going outside this hall followed by our other friends.

Hindi ko na inintindi ang maid dahil hinanap ng mata ko si Ate Maize. Kaagad ko siyang nilapitan kahit medyo nasa gitna siya nakaupo at madaming harang sa kaniya.

"Ate Maize, your sister..." halos manginig nang sabi ko.

"What?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Something happened to your sister, let's go!" agad kong aya at naunang lumakad paalis.

Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. "What happened to her, Renz? Tell me!"

"She lost consciousness."

"N-no...." nanginig niyang sambit.

'Bakit grabe siya kabahan?'

Dali-dali kaming pumunta sa room pero wala na doon ang mga kaibigan ko. Tumakbo si Ate Maize palabas papuntang gate sa pag-aakalang nandoon pa sila Vince pero wala na, nadala na nila si Aiziah sa hospital.

Napatulala ako. Why? Bakit siya nahimatay? What's happening?

Kinakabahan ako, subra lalo na't wala akong alam sa nangyayari.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now