WAITING 13: Exchange Reminders

7 1 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

"Ikaw, Ziah! Tignan-tignan mo kung anong mga kinakain mo at iwasan mo ang mapagod. Alagaan mo ang sarili mo dahil kahit isa man lang sa mga kaibigan mo ay hindi alam ang kalagayan mo! Ayaw mong ipaalam e. Ang layo rin ng room niyo sa room namin! Hindi kita mabantayan e."

Napapabuntong-hininga na lang ako sa sermon ni Ate Maize. Nalaman kasi niyang hinihingal akong dumating sa room kanina. Nabanggit kanina ni Vince sa subrang kadaldalan ng taong iyon. Ayan tuloy at puro sermon hapunan ko.

Dijok lang!

"Buti at dito sa bahay nangyari yun! Paano kung sa school o sa kung saan? Tapos wala kang kasama?" dagdag niya.

"Sorry, ate." nakayuko kong sabi.

Napabuntong-hininga siya. "I'm should be the one to say sorry. Wala kang kasalanan. Just that we're so worried about you." mahinahon niyang sabi. "You may start eating your food, Cristy, Joanna." baling niya sa dalawa pa naming kapatid. Nagsimula na silang kumain, ganon rin ako.

As usual, iba na naman yung ulam ko sa ulam nila. Pero ayos lang dahil para naman ito sa kalusugan ko. Tiis-tiis din pag may time.

"Ayaw ko na mag-alala pa ang mga kaibigan ko ate kaya hindi ko sinasabi sa kanila." sabi ko at sumubo ng pagkain.

"Hindi ko naman sinasabi na sabihin mo ang totoong kalagayan mo. Ang sakin lang, at least they know and they deserve to know na may sakit ka. Hindi mo lang sasabihin ang buong detalye."

'Ha? Ano daw?'

"Hindi kita gets, te." sagot ko. "Pareho lang naman. Sasabihin ko pero hindi ang buong detalye, sa ililihim ko na lang. I don't want to lie to them."

"Hindi pa ba pagsisinungaling yang ginagawa mo?" seryoso niyang tanong.

Natigilan ako. Hindi ko na nga malunok yung pagkaing nasa bibig ko dahil sa sinabi ni Ate.

Yes, pagsisinungaling na itong ginagawa ko at aware ako doon. Alam ko rin na mas mag-aalala sila sa oras na malaman nilang may sakit pala ako at ayaw ko non. Nakakakonsensiya man pero ayaw ko pa rin silang mag-alala para sa akin. Deserve nilang malaman pero hindi ngayon.

'Nagsisimula pa lang ang buhay ko kasama sila.'

"Ziah, atleast one of your friends aware of your health para hindi kami nag-aalala ng ganito." nag-aalala niyang sabi.

"Aalagaan ko na lang muna yung sarili ko. Maayos pa naman ako, ate. You don't have to worry." I gave her a smile but she gave me a sigh. "Nagsisimula pa lang ang buhay ko kasama sila at ayaw kong yung mga panahong kasama ko sila ay puro na lang pag-aalala ang maririnig ko."

"Natural yun, sister. Panigurado na magtatampo sila sayo sa oras na malaman nilang tinago mo ang bagay na yan."

"Ayos lang yun, matagal pa naman mangyayari." I chuckled a little bit.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now