WAITING 30: She's Still Worried

1 0 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

Nasa auditorium hall lahat ng spies, mapa-teacher man or students. Well, kahit students lang daw ang kailangan, kailangan pa ring e-infrom ang mga faculties tungkol sa pag-uusapan.

"Good afternoon everyone, my fellow students and beloved teachers." paunang bati ni Ate Gena, SSG President ng Campus na siyang nagpatawag ng meeting. "Uwing-uwi na po ba kayo?" tanong niya sa amin. Nagsitanguan ang marami. "Well, before we all go home, I have a good news for all of you."

Nagsimulang mag-ingay ang mga itsuserang frog este students.

'HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!'

"Ito po ay isinuggest lamang sa akin ni Madam Principal, pero nasiyahan po ako at nakitang magugustuhan ng lahat kaya naman pinagplanuhan namin, kasama ang bawat classroom president, kung ano ang mangyayari." sabi ni ate Gena. "On October 8, we will celebrate Universal Music Day, and on October 11, we'll celebrate the National Face Your Fears Day."

"Owss. Parang bet ko yung national face your fears day ah." chill na sabi ni Vince.

"Huh? Dapat ang bet mo ay 'yong Universal Music Day." sabi ko sa kaniya.

Tumawa si Daryl kaya nilingon ko siya na nasa bandang likod ko. "Gusto niya rin yun, Ziah pero mas bagay siya sa National Face Your Fears Day, you know." aniya.

Naguluhan naman ako bigla. "Bakit naman?"

Tinawanan niya lang ako. Irita namang tinignan ni Vince ang kaibigan. Nakinig na lang ulit ako sa paliwanag ni Ate Gena.

"Sa Universal Music Day, may mga segment tayong gagawin and it is all related to music, of course. Ang bawat grade level ay maghahanda ng kanilang mga pambato. For solo, duet and group singing contests, for games, and for the sing-kilig, you can only join once. I'll let the advisers or class president discuss it to you fully." anunsiyo nito.

"Sing-kilig? Ano yun?" inosenteng tanong ni Jhenky.

"I guest, it's look like a segment in all out sunday, 12 noon every sunday on GMA." seryosong sagot ni Jad.

"Pffttt!" pigil ko ng tawa. Para siyang nagendorse na ewan.

"Anong nakakatawa, Ziah? Pinagtatawanan mo ba ako?" tanong niya sa akin.

Sunod-sunod akong umiling habang nagpipigil pa rin sa tawa. Ang seryoso kasi nang pagkakasabi niya. Akala mo naman nasa seryosong usapan e. Matatawa ka talaga!

"Nako! Nako! Ziah! Happiness mo na naman ako no? Kunting galaw or salita ko lang, natatawa ka kaagad."

Tinawanan ko lang ulit siya. Naweweirduhan na naman ang isang ito sa akin. Ganito lang talaga ako, tumatawa kahit walang nakakatawa, parang baliw lang.

Or let say, may iniisip akong nakakalungkot kaya itinatawa ko na lang.

Until now, Renz and I is still ignoring each other. Or baka ako lang yung hindi namamansin sa amin mula noong nangyari sa mall. Nakakainis kasi talaga! Haist.

'And I am starting to miss him.'

But I need to be hard. Hindi kailangan palaging hahayaan ko siyang saktan ako. At mas makakabuti ring iwasan ko siya para di na lumala pa ang gulong nangyayari. Students are not yet done talking about the issue.

"Sa October 11 naman which is the National Face Your Fears Day, magkakaroon ng booth ang bawat grade level. Be ready for some contest, too." nakangiting sabi ni Ate Gena. "Some question or clarification?"

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now