WAITING 24: A Whispered Threat

3 1 0
                                    


//RENZ's POINT OF VIEW//

"Uyy bebs!!"

I don’t know how long I’ve been standing and stunned but that call brought me back to reality. Mapalingon ako kay Kimmy na medyo nag-aalalang nakatingin sa akin.

'Sino ba yung parang bumulong sa akin?? Sh*t!'

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"O-Oo" tipid na sagot ko. Tumango siya sa akin at inayos ang dala niyang snack. "Wala ka bang nakita na lumapit sa akin kanina tapos binulungan ako?"

Umiling siya habang nagtataka siyang nakatingin sa akin. Wala sa sarili ay nagsimula akong maglakad pabalik sa mesa kung nasaan si Aiziah.

Who was that? Boses ng isang lalaki, hindi siya pamilyar sa akin at ngayon ko lamang narinig ang boses na iyon. Sino naman kaya iyon at nagbanta nang ganon? Sinong tinutukoy niyang her doon sa sinabi niya?

"Enjoy being with her. Kapag natapos ang araw na ito, tiyak hindi mo na siya maaari pang lapitan." 

Aaminin ko, tinakot ako ng bulong na iyon. Sinasabi na kung sino man ang kasama ko ngayon ay sulitin ko nang kasama siya. Kapag natapos ang araw na ito, hindi ko na malalapitan ang taong iyon. Sino sa dalawang babae na kasama ko ngayon ang tinutukoy niya?

Wala ako sa sariling naupo at kaagad kumain. 

Am I taking serious of that whisper? Hindi ko nga kilala kung sino yung bumulong na iyon sa akin? Maniniwala ba ako doon? Paano ko maeenjoy ang isang araw kasama ang babaeng iyon?

Natapos kaming kumain ng snack ay hinanap namin ang assigned room para sa SPYNHS. Nang makarating doon ay kami na lang pala ang wala. Nagkukwentuhan lang sila at nang pumasok kami ay tudo sila bati sa amin.

"Ngayon pa lang, congrats grade 10 spies!" bati ni Ma'am Trixie, math teacher ng grade 7. We all smiled at her.

"Ako ba naman ang magturo." Nilapitan kami ni Ma'am Liz at inakbayan ako. Tumawa pa siya. "But of course, it's because of thier aims to win. They only studied for two weeks but their mark says that our school has won. Congratulations guys!" bilib na bilib na sabi niya pa.

"Thank you po, Ma'am Liz." sabay na sagot ni Kimmy at Aiziah.

Naupo kami sa mga upuan doon. Our fellow spies (tawag sa mga students, faculties, and even parents ng mga students ng SPYNHS.) congratulate us.

Nakikinig lang ako sa usapan nila at sumasagot naman ako ng tango at ngiti, pero hindi maalis sa isip ko yung ibinulong sa akin. Kung sino man yung bumulong na iyon, ano kayang kinalaman niya sa nangyayari? Bakit kailangan niyang magbanta ng ganon? Kung tama ako, si Aiziah ang tinutukoy nang bumulong sa akin. Pero bakit?

"Renz? Renz?" kalabit ni Aiziah sa akin.

Mabilis kong iniba ang ekspresyon ng mukha ko at ngumiti sa kaniya. "Bakit?"

"Ayos ka lang ba? Pansin ko na mula pagbalik mo galing sa counter hanggang dito ay wala kang imik e." may bahid ng pag-aalala na tanong niya.

"Baka dala lang ng se---"

"Ah wala, ayos lang ako." putol ko kay Kimmy at makahulugan siyang pinatahimik. "Tara, labas muna tayo?" aya ko kay Aiziah, oo, siya lang. Tumayo ako para ayain siyang lumabas mag-isa. Wala namang masama kung e-enjoy-in ko yung araw na ito kasama siya.

"Di ba bawal daw munang lumabas?" nagtataka niyang tanong.

"Oo nga bebs!" pagsang-ayon ni Kimmy. Again, I look at her saying shut up.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now