WAITING 26: Lies

2 0 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

"Someone's trying to call me." Ate Maize told me.

"Patingin." sabi ko. Inabot niya sa akin ang telepono niya at bumungad ang pamilyar na numero. It is Daryl's phone number. "That is Daryl's number. Paano niya nakuha ang number mo, Ate? Alam ba ng kuya niya ang phone number mo?" I asked.

"What? Of course not. Kayong family ko lang ang nakakaalam ng number ko na ito. Yung nasa fb account ko ay hindi ko naman ginagamit minsan."

'Paano niya nalaman yun?'

"Puntahan mo na sila. Tingin ko ay nag-aalala na sila. Kita mo naman, kanina pa labas-pasok si Vince para hintayin ka. And remember, this day is the special day for your two bestfriends." paalala niya.

I deeply sigh and nod. "Alright. Bababa na ako." sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse.

"Ingat at baka maulit nang maulit ang nangyari, avoid foods that can trigger your health problem and avoid him also, if you need."

I smiled on her at tuluyang bumaba ng sasakyan. Oo, nasa sasakyan ako nang halos isang oras na dito malayo-layo sa squad house pero sapat para makita ko kung sino mang lalabas. Medyo rinig ko nga na may kumakanta, siguro may videoke no?

I breathe deeply before walking towards the house. Binili ng squad namin ang bahay na ito at tuwing may okasyon or any other special days, nandito ang squad at nagbobonding.

Dahan-dahan ang mga hakbang ko papasok para hindi nila ako maramdaman agad. Huminto ako at sumilip sa sala kung nasaan sila at nag-uusap-usap. They all looked so worried at alam kong dahil sa akin yun.

"Please answer my call..." rinig kong sabi ni Daryl kahit pabulong lang iyon. Tinatawagan niya pa rin si ate.

'May sa lahing hacker ba ang isang ito?'

Kaagad akong humakbang para mas makita sila at nagsalita. "What's up squad! Am I late?" sabi ko.

Gusto ko matawa dahil halos sabay-sabay silang lumingon sa direksyon ko kaso wala akong lakas para don at mukhang nagulat pa sila dahil nandito na ako.

Kaagad tumayo si Vince at lumapit sa akin at niyakap. Magtataka pa sana ako sa ikinilos niya pero naalala kong subrang late pala ako sa celebration nila, I guest, 4 hours na akong late.

"Pretty! I am glad you're here! Pinag-alala mo ako ng husto. Hindi ka namin macontact at wala ka sa bahay niyo. Saan ka ba galing at bakit ngayon ka lang?" sabi niya habang yakap ako.

Kumalas ako kaagad dahil naninikip na naman ang paghinga ko. Ang higpit kasi niya yumakap. "Syempre naman pupunta ako dito, hindi pwedeng wala ako no." natatawang ani ko.

Giniya niya ako sa sala at pinaupo. Pilit kong iniiwasan na napatingin kay Renz. Ramdam ko ang mga tingin niya kahit lahat naman silang nandito ay nakatingin sakin. Kaagad nila akong binato ng mga tanong.

"Bakit ngayon ka lang, Ziah?"

"Bakit naka-off ang cellphone mo at di ka namin macontact?"

"Kanina pa kami kakahintay sayo. Akala namin ay di ka na pupunta dito e."

"May nangyari ba? Wala ka sa school kahapon."

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now