WAITING 18: Ziah's Night

5 1 0
                                    


(Miss Author Note: Sorry if this chapter is long and slightly messy. HAVE FUN READING LONELIES!!)


//AIZIAH's POINT OF VIEW//


"HAPPY BIRTHDAY, DARLING!"

Pumorma ang malawak na ngiti sa labi ko nang marinig ko ang boses na iyon. Akala ko hindi ko na maririnig mismo mula sa kaniya ang katagang iyon. Akala ko matatapos yung araw na hindi niya ako mababati.

Agad kong hinarap si papa nang alisin niya yung kamay niya sa mata ko. I immediately hug him so tight. I miss him so much, I really do.

"Thank you, dad." sabi ko. Kumalas kami sa yakap. He is widely smiling at me. "I thought hindi niyo po ako babatiin ngayong araw. I am so happy now na nandito po kayo mismo sa party ko!"

"Matitiis ko ba ang isa sa mga prinsesa ko? Syempre hindi. That's why I am here for you."

"Thank you po." I hugged him again. Ramdam ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. "Kompleto na ang araw ko, dad!" masaya kong sabi. He tapped my back para pakalmahin ako.

"Don't cry, darling. Malulusaw yang make up mo." sabi niya. Humiwalay ako sa kaniya. "I love you!"

"I love you more, dad!"

"Siya, tara na at tiyak kong naghihintay na ang mga bisita mo sa iyo."

Inakay niya ako papasok ng venue. Isinukbit ko sa braso ni Papa yung kamay ko. Sa likod namin sina Yaya Ivy, Manong Rene, at si Miss Shaina na ang ganda sa suot niyang turtle neck na dress.

Madami na ang taong nasa loob nang tuluyan kaming makapasok. Nagsimulang bumati ang mga bisita sa akin. Thank you at ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Karamihan, mga kaedaran ko ang nandito, iilan lang ang bussiness man or women na nandito, tiyak kasama sila ni papa na pumunta dito.

Nilibot ko ang paningin ko at lahat naaayon sa sinabi ko kay Miss Shaina. Puno ng green na baloons ang bubong, green rin ang mga tela ng mesa at upuan. Tapos sa stage naman, panda yung tarpulin with happy birthday sign with my age and name.

"Ganda naman! Chix!"

Napalingon ako sa likod ko nang may sumipol. Sinalubong ako ng squads, maliban kay Renz na siguro ay wala pa. They all hugged me. Ang kaso, di na ako makahinga sa subrang higpit ng yakap nila.

"G-guys.." mahina kong sabi. "I can't b-breath.."

Napahiwalay naman kaagad sila sa akin at nag-aalala akong tinignan.

"Hala ano ba kayo!! Ang hihigpit niyo yumakap!" paninisi ni Vince sa mga kaibigan namin.

Marahan siyang binatukan ni Daryl. "You look so pretty tonight, Ziah. Happy Birthday!" bati na naman niya sa akin sabay abot ng isang maliit na box.

Inabot ko iyon at nginitian siya. "Thanks sa compliment, Ryl. Pati dito! I guess, this is necklace?" panghuhula ko sa laman ng box.

Tumango siya at ngumiti. "Anyways, that's our gift for you, with Mairine."

"Really? That's great!"

"Ehem, nandito kami oh!" tikhim nila. Napalayo tuloy si Daryl sa akin.

"Hi tito, Miss Shaina!" bati nila kay Papa at Miss Shaina na nasa likuran ko.

He just wave his hand to them with a smile.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now