WAITING 29: Turns the Blame

2 0 0
                                    


//RENZ's POINT OF VIEW//

"Ito po ang inumin at pagkain para sa inyo." Inilapag ni Manang ang mga iyon sa mesa.

"Thank you po..." I whispered. Nginitian niya lang ako saka yumuko bago umalis sa harapan namin. "Wait po Manang, paki--"

"Sige iho, dadalhin ko para sayo."

'You really know what I need in this situation, Manang.'

"Thank you po."

Tuluyan na siyang umalis para kunin ang kailangan ko, which is isang ice packs. Ang hapdi kasi nang pagkakasampal sa akin ng sarili kong ina at alam kung mamamaga ito kaya dapat maagapan.  Nakakainis!

'Nababangasan ang gwapo kong mukha!'

"Ipaliwanag mo nga sa amin kung bakit may ganitong mga larawan!?" sigaw na tanong nito sa mismong harapan ko.

Tinignan ko ang teleponong nilahad niya sa harapan ko. Malaman-laman ko lang talaga kung sino ang nagpost niyan, dudurugin ko ang mukha!

'Charot!'

"Mom, I don't need to explain to you the reason why. I am tired of explaining my side then after all, kayo pa rin ang masusunod." iwas ang tingin kong sagot sa kaniya. Ayaw kong samaan muli siya ng tingin, may respeto pa ako kahit papaano.

I also looked to Clarisse. In some reason, maaaring siya ang gumawa ng dummy account na yan at i-post ang mga litrato. I am not yet sure but if she's the one who do that thing, swear, hindi ako magdadalawang isip na makipag-hiwalay.

'Kahit kompanya pa ang nakasalalay.'

Pero sino ang kumuha ng mga larawan na yan? Isa pa yan!! Kapag nalaman ko din kung sino, papakulong ko talaga yan sa kamag-anak naming pulis!!

'Ay wala pala kami non,'

"Are you listening to me, Renzailor!!?"

'Oh come on...'

"Mom." saway ko. Tinawag na naman kasi niya ako sa name na iyon. She always do that when she's mad.

Iyon talaga ang name ko, pinaikli ko lang. Renzailor, maganda naman daw sabi ng iba pero iwan, nakakairita rin.

"Listen, Son. Mahiya ka naman kay Clarisse. She's always with you when you're feeling down. Tapos ganiyan ang igaganti mo? You suppose to love her more and get away from that girl!" aniya.

I secretly rolled my eyes. "Aiziah is not just a girl to me, mom." may pagbabantang ani ko.

"Anong gusto mong sabihin? Na mas lamang yung babaeng iyon kaysa kay Clarisse?"

"I am not comparing them."

"Mas gusto ko pa si Clarisse kaysa diyan sa babaeng yan para sayo, Renz."

"Well, we're not the same, mom."

Naging matalim ang mga tingin nito sa akin. Nanatiling walang reaksyon ang mukha ko. "Alam mo ba kung anong pinagsasabi mo!? Hindi mo ba naiisip kung anong magiging consequences ng mga pinaggagawa mo?!! You should love her back! You should start loving her back! It is your duty, Renzailor! Didn't you understand that?"

"Igijeog-in. (selfish)" bulong ko at yumuko. I can speak korean without them knowing. "Naneun nae mogsumboda geunyeoleul salanghabnida. Dangsin-eun naega nuguleul salanghalji gyeoljeonghal gwonliga eobs-seubnida. (I love her more than my life. You haven't any right to dictate me for who I'll fall in love.)" mahina kong sagot.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now