WAITING 48: Deep Talk

3 0 0
                                    


//RENZ'S POINT OF VIEW//

Dahil ilang araw na akong liban sa klase, tambak ang notebook sa table ko na hiniram ko kina Jessica, Mikka, Kimmy, at Mekayla. Yung iba kasi nilang notes ay pinahiram nila kay Daryl at Vince dahil may mga subject rin na naging liban sila.

Kahit dito sa room ay panay ang tanong sakin kung bakit daw ako liban, kung bakit daw ako biglang hindi nagparamdam, mga ganoong tanong na akala ko mahigit ilang taon akong nawala. Wala akong choice kundi sagutin na nagkasakit ako. Alangan naman sabihin ko na nakidnap ako. Haist.

"Kamusta ka, Renz?"

Lumapit sa akin si Cassie at Kimmy nang makabalik kami sa room pagkatapos ng lunch break namin. Sinenyas ko sa kanila ang tambak na school works ko.

"Paano ko na niyan mapupuntahan si Aiziah?" malungkot na sabi ko sa kanila. After all, I still need to prioritize my studies.

Cassie chuckled a little. "You don't have to worry. Nandiyan lang---"

"She's out of the country." putol ko.

Nagulat silang dalawa. Siguro ay alam lang nila na may sakit ito at akala nila nandito lang sa pinas. Hindi rin pala nila alam. Sinabi ko na rin sa kanila kung bakit nandoon si Aiziah. Inaasar naman nila ako na kawawa daw ako at parang kakainin na ako ng pagkamiss ko sa kaniya.

Okay?

"Ah ganon?" Tumango-tango ako at umaktong walang paki at ayos lang asarin ako. "How about you and Vince? Not in good terms pa ata kayo ah." sabat ko sa pang-aasar niya sa akin.

Natahimik naman ang babae. Pftt!

"Tama ka na nga! Haist guilty na nga ako, pinapaalala mo pa." sumimangot siya.

"Ano ba kasing pinagsasabi mo don?"

"Ay nako Renz! Wag mo nang ipaalala sa amin! Juskoo sila kasi e!" sabat ni Cassie.

Tumango-tango ako. I think Vince is not mad to them anymore. Understanding na tao si Vince kahit papaano. Ganon siya sa akin so hindi rin malabo na ganon sila kina Cassie at Kimmy. Nabalitaan ko kasi na nagsagutan silang dalawa dahil sa pagtatago ng mga lihim. I feel bad for them, kasalanan ko na naman.

After a tiring day, nagsiuwian na sila. Magcecelebrate sana daw kasi nakabalik na ako, pero sabi ko next time na lang muna. Tutol sana sila pero wala rin silang magagawa.

Inihiga ko ang sarili ko sa kama ko.

All of theme are affected of what is happening. Pansin ko noong una akong pumasok, halos hindi sila makatingin sa akin. They thought I still don't know about Aiziah's disease. Noong nalaman nilang alam ko na bago pa ako makidnap, kinamusta nila ako. Kwento rin sila ng kwento sa akin ng mga thoughts nila. Umiyak pa sila sa harap ko.

I understand each of them. Naintindihan ko si Vince at Daryl kung bakit sila naglihim sa amin. Tulad ko, naranasan din nila kung gaano kahirap ang maglihim. Araw-araw kaming magkakasama. Pare-pareho pala kaming may inililihim sa isa't-isa.

"Tol, tara kain." aya sa akin ni Kuya pag daan niya sa sala. Papunta siyang dining.

"Susunod ako." tipid kong sagot.

Napanguso siya at tila duda pa sa sinagot ko. "Alam kong di ka na naman kakain." Napabuntong-hininga siya.

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Hindi naman sa hindi ako kumakain, kumakain naman pero kapag nagugutom lang. Wala akong gana. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko sabay akbay. Tinapik lang naman ang balikat ko at inalis rin ang pagkakaakbay.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now