WAITING 10: Painful Teasing

11 1 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

Kaagad kaming nakarating sa bahay. Wala naman akong masyadong ginawa sa park, nakaupo lang naman ako pero parang hinihingal na ako. Panay kasi ang tawanan namin kanina tapos tinulungan ko na rin si manong magbuhat ng gamit papunta sa sasakyan kanina. Napahilata kaagad ako sa sofa pagkapasok ko sa bahay.

"Miss Ziah, saan ko po ilalagay itong mga gamit?" tanong ni Manong Rene, yung driver namin na nasa 40's na siguro, bitbit ang mga picnic basket at kung ano pang plastic.

"Pakilagay na lang po---"

"Dito mo na sa kusina, Manong Rene at ako nang mag-aayos niyan dito. Bawal ng subrang mapagod yang si Miss Ziah." putol ni Yaya Ivy sa pagsasalita ko.

'Thanks, te Ivy.'

Tumango si Manong sa akin at tumungo na sa kusina. Maaga pa naman kaya naisipan ko na umidlip muna dito sa sala saglit. Basog pa naman ako. Hindi ko maintindihan, basta pagod na pagod ang isip at katawan ko, wala naman akong masyadong ginawa.


~♡~

"Ang ganda naman nang natutulog na yan!!"

"Pagod siguro siya. Ah ate, kumain na ba yang kaibigan namin?"

"Hindi pa ho, pagkadating niyan dito ay pagod at nakaidlip. May pupuntahan ba kayo? Alam ba ni Miss Maize yan?"

"Yes po."

"Nako! Kailangan na niyang kumain!"

"Masyado kang concern, taba!"

"Totoo naman! Hapon na kaya."

'Iingay naman, natutulog yung tao e.'

"Ziah....wake up!! You need to eat lunch and prepare for Mikka's party."  rinig kong panggigising ng kung sino sa akin.

Hinampas ko yung kamay nang yumuyugo sa braso ko at inilipat ang direksyon ng ulo ko sa kabila. Ang ganda ng panaginip ko tapos biglang may iistorbo. Natutulog yung tao e.

"Aiziah, wake up!"

"Gising na, babe. Maaga pa para sa dreaming."

Nasa isang romantikong restuarant daw ako at mayroong nakaluhod na lalaki sa harap ko at ipinapakita ang isang singsing sa akin. Ngiti-ngiti itong nagtapat sa akin na gusto niya ako at kung ano-anong matatamis na salita ang sinabi niya sa akin.

"Kakain ka pa, Ziah!"

Tuwang-tuwa ako dahil ang taong ito ay matagal ko ng gusto. Manliligaw ko siya at matagal na itong nanliligaw. Nakakatuwa dahil yung taong gusto ko ay gusto rin ako. Minsan lang mangyari sa buhay natin ang ganito kaya nang tinanong niya ako kung pwede daw ba niya akong maging girlfriend ay agad akong sumagot.

"ZIAHHHH!!! MAY SUNOG SA BAHAY NIYO!!"

"I WANT YOU, YES OF COURSE YES!!" sigaw ko habang nakataas ang mga kamay ko.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now