WAITING 43: Birthday Gift

3 0 0
                                    


//RENZ'S POINT OF VIEW//

Days had passed after I become free to that arrange marriage, after I become happy but suddenly, it just fade and becomes sadness again.

"So, anong plano mamaya, squad?" Jad asked out of nowhere.

"Plano? Bakit?" sabay sabay na tanong nina Jhenky, Mekayla, at Mikka.

Napahalagpak sa tawa si Jad. "Galing niyo ring magpanggap."

"Ha? Di namin alam sinasabi mo. Anong plano?" sabi ni Jhenky.

Lumapit si Jad sa kanila at bumulong. Nang masabi na ni Jad kung ano man yun ay napatango naman sila. Ano kaya 'yon?

"Owimjiii owimjiii! Oo nga pala, ano ang plano?" Mikka asked.

"We already have some plan for that, di lang namin nasabi sainyo." sabi ni Jessica.

"Tuloy pala yun? Akala ko hindi na kasi di ba, you know. Di ba, Sie?" ani Kimmy.

"Tuloy na nga daw, kulit ah." iritang sagot ni Cassie dito.

"Ako ang kausapin mo at hindi yang si Cassie, mukhang problemado yan e." sabi naman ni Vince dito.

Umirap ito. "Ikaw? Kakausapin ko? No thanks."

"Wow! Choosy ka pa. Out of all people here, ako lang ang willing kausapin ang baliw na kagaya mo."

"I am not crazy."

"You are."

"I said, I am not! Ikaw kaya ang baliw." irap ulit ni Kimmy.

"Yah, baliw sayo." diretsong sagot ni Vince na ikinagulat naman ng uto-uto.

Choss!

"What?" tila binging aniya.

"Wala, sabi ko umirap ka kung maganda ka." He gave Kimmy a smile, sarcastic smile rather.

"WHAT!?" gigil at inis na tanong nito.

Nakangiting umiling si Vince na mas lalong kinainis ni Kimmy. Haist. Sila yata magkakatuluyan sa huli no?

"Heh! Tama na kayong dalawa, mag babangayan na naman kayo e nakakairita na araw araw na lang!" reklamo ni Jhenky sa kanila.

"Edi takpan mo yang mga tenga mo!"

Nagkatinginan ang dalawa na halos sabay nagsalita ngunit umirap rin lang sa isa't-isa.

Napailing na lang ako sa kanila at lumipat ng ibang upuan dahil kahit ako ay naririndi na rin sa bangayan nilang dalawa. Nasa parke kasi kami, ewan ko ba at bakit sila nag-ayang gumala. Wala akong choice kundi sumama kahit ayaw ko.

Kasi bwesit na yan!! Kung kelan unti-unti na akong nagiging malaya, saka naman naging sila! And I didn't know na habang wala sa paligid namin si Aiziah ay kinuha niya ang pagkakataon para ligawan at pasagutin siya. T*ngin* niya!

"Bakit naging sila? Bakit ang gag-ng yun pa ang minahal mo?!"

"Hoy! Araw mo ngayon, oo, pero wag ka naman sana magmura, anyare sayo?"

'Araw ko?'

Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Vince. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at sa kasama niyang si Daryl. Lumapit pa talaga sila sa akin.

Kailangan nito at bakit kusang lumapit sa akin?

"Anong bakit naging sila?" tanong naman ni Daryl.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now