WAITING 44: Asking for Help

2 1 0
                                    


//KLAIDEN'S POINT OF VIEW//

It's time for me to take the floor.

I wanna tell a story to you, guys.

A short but hurtful story.

There's a girl who just want to be loved but she can't feel the loved she deserve. She just want to be loved, but there's so many hindrances. Hanggang sa naging pananaw niya na lahat ng taong mahalaga sayo, aalis rin. Until she doesn't believe in love anymore.

Kelan kaya magiging masaya ang babaeng walang ibang ginawa kundi maging mabuting tao sa lahat?

Kanina ko pa nililingon ang pinsan ko----kulang na lang mabali leeg ko----na nakatulala lamang sa bintana ng eroplanong sinasakyan namin papuntang Thailand. Ngayon ang flight namin papunta doon upang maghanap ng doctor. Walang nakakaalam nito, maliban sa pamilya ni Aiziah.

Malungkot siya, at alam na alam ko kung bakit.

Kahit ako, nasasaktan at nahihirapan na rin sa sitwasyon at pinagdaraanan niya. Hindi niya deserve na saktan ng lalaking mahal niya, hindi niya deserve ang sakit na meron siya, at mas lalong hindi niya deserve na mahirapan ng ganito, na maglihim sa mga taong mahalaga sa kaniya.

"Ate! Alam mo ba----"

Kaagad kong tinakpan ang bibig ng kapatid ko para matigil na siya sa kakadaldal kay Aiziah. Hindi naman kasi makiramdam ang isang ito.

Hinawi niya ang kamay ko. "Ano ba, kuya?!" inis niyang tanong sakin.

"Ang daldal mo. Hayaan mo muna siyang makapag-isip. Ang ingay-ingay mo!" mahina kong saway.

"Ay sorry naman, okay na tatahimik na."

Ayun, tumahimik na rin.

Nag online na lang siya ng account niya. Scroll nang scroll, mukha namang walang kachat. Lihim akong napatawa.

Alam ko nagtatanong kayo tungkol sa buhay ko. Kung bakit naging misteryoso kami sa buhay ng mga kamag-anak namin. Sinadya namin iyon, hindi para magdamot sa yaman na meron kami pero dahil kailangang-kailangan.

We lived in a normal life. Mahirap, yung tipong tama na ang tatlong beses sa isang araw na kakain. Though ang totoo, kaya naming magbaon ng 1 Million sa isang linggo.

Charot!!

Naging kaibigan ko na non sina Renz, sa lugar at paaralan kung saan sila nag-aral ay doon din kami tumira ng kapatid ko. Oo, kami lang ng kapatid ko. Our parents really need to stay in Thailand kaya napilitan kaming maiwan sa Pilipinas para mag aral. Ako ang nasunod ket gusto ng kapatid ko na doon mag aral sa ibang bansa.

Highschool na ako noong bumalik kami ng Pinas, mga maids lang ang kasama namin for almost two years. Then a bad news really break our heart. Our parents died in a yacht bombing. Ang hirap noon, kailangan ko maging malakas para kay Kyla. Kaagad kami noon na bumalik sa Thailand, walang paalam kahit kanino. Ako ang naging magulang ni Kyla mula noon.

Nabigla ako ng may abogado na pumunta sa bahay namin. Nakapangalan sa akin lahat ng mana. That time, I don't know how I'm going to handle those companies. Dumagdag pa ang balita na may kamag-anak kaming kailangan tulungan.

Doon ipinakilala sa akin si Aiziah. She needs our help. Naikwento sa amin nong maganda---oo maganda---na lawyer ang tungkol sa pagkamatay din ng mama ni Aiziah dahil sa sakit. Doon kami nagbalak na umuwi ulit ng Pilipinas para hanapin siya. She's way closer to me pero hindi ko siya nakilala.

Fastforward.

Noong araw ng birthday ni Justine ko siya unang nakita ng personal. Hindi magawang dumayo sa paaralan kung saan siya nag aaral dahil sa kapatid ko. Doon niya ako unang nakilala. Natatawa pa ako noong nagtanong ako kung pwede ko ba siyang ligawan. Like wtf puro kalokohan ang nasa isip ko noon. At mas natawa ako nong araw na nadulas ako sa kaniya. Buti at di siya pumayag na ligawan ko siya.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now