WAITING 8: Realization and Apology

11 1 0
                                    


//RENZ's POINT OF VIEW//

"Aiziah, please let's talk."

"Anak ka ng---Renz! Nakakagulat ka naman!" Bahagya siyang sumigaw at napatakip ng bibig sa subrang gulat siguro. Hindi ko naman sinasadyang gulatin siya e.

"Nagulat ba kita? Sorry." paumanhin ko.

She fake her laughs. "Hindi, Hindi, hindi naman siguro halata." Feeling ko ay namimilosopo siya.

I looked at her with my serious face. "Can you atleast give me 5 minutes to talk to you? I really want to talk to you but I don't get any chance."

She just nod at me. Giniya ko siya sa sala kung saan walang tao. Oo, feel at home na kung feel at home, madalas kasi akong tambay sa bahay na ito kapag boring sa bahay. Nasa kitchen, or nasa labas naman ang mga tao dito kaya ayos lang. Umupo siya kaya umupo rin ako.

I look first on our sorrounding at nang walang taong makita ay nagsalita ako kaagad.

"Ziah...." pagtawag ko sa kaniya. Nasa telepono kasi ang atensyon niya. "I want to apologize for those hurtful words I said to you in our last fight."

Ngumiti siya sa akin at tumayo. "Iyon lang pala. You're forgiven." Pagkatapos ay lumakad na siya paalis.

Bago pa man siya makalagpas sa akin ay hinawakan ko ang braso niya. Gulat siyang tumingin sa akin. I don't know how to start. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya na mali ako nang pinaniwalaan, na mali ako na inakusahan ko siya without knowing first the truth.

Hindi ko alam!!

"Bakit? Babalik na tayo doon at baka hinahanap na tayo, lalo ka na. Baka hanap ka na---"

"Ziah, sorry for accusing you. Sorry kung hindi kita pinakinggan, kung di kita pinaniwalaan, kung pinagsalitaan kita ng masasakit na salita without knowing the truth. Aiziah, I'm really really sorry." mabilis kong putol sa kaniya.

I looked in her eyes while still holding her hand. Umiwas siya nang tingin at bahagyang bumuntong-hininga. Dahan-dahan niyang binawi ang pulsuhan niya sa akin at tumingin.

"Why?" tipid niyang tanong.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. I took a deep breath at muling sumagot. "Sorry....I know you can't do such thing I accuse on you. I know you, Aiziah. I'm really sorry."

"I mean, why are you asking for apology now?" mahinahong niyang ulit sa tanong niya.

"Dahil mali ako ng pag-akusa sayo."

"Alam mo, Renz. Tanggap ko naman e. Tanggap ko na pagsalitaan ng masasakit na salita at akusahan sa bagay na hindi ko naman ginawa. Pero yung manggaling sayo ang mga 'yon? Sayo pa na bestfriend ko? Renz, ang sakit." she said bitterly and I know anytime, her tears may fall.

"That's why I'm sorry."

"But why!?"

"I heard them talking about you. They delete the conversation in Clarisse's phone so that they can make some untrue story about you. Para hindi ko mabasa ang totoong pinag-usapan niyo. Ziah, I'm really sorry." I said trying to look into her eyes.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now