WAITING 50: Catch Hard Hearts

3 0 0
                                    


//RENZ'S POINT OF VIEW//

My ate chuckled because of Aiziah's reaction.

Pero ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan. Kita ko kasing may pumatak na naman na luha mula sa mata niya. Hindi ba niya gusto 'yon? Shet! What the f Ate's thinking?

"What? We're going to m-marry each other? You mean, me and y-your brother?" paglilinaw ni Aiziah sa narinig.

Masiglang tumango si ate Ressa. "Soon. Don't you like it?"

"No!!" aniya at padabog na tumayo at lumakad paalis. Kaagad na humingi nang tawad si Klaiden at sinundan ang pinsan.

Gulat na kumibit-balikat si ate Ressa at pinagpatuloy ang pagkain. She even asked what is her problem.

"Pasensiya na kayo sa inasal ng anak ko. Nabibigla pa rin siguro siya." paumanhin ni Mr. Castros at tumingin sa akin. "Hijo, pasensiya na rin. Hindi pa kasi namin ito nasasabi sa kaniya. Gaya nang sinabi ni Klaiden, we'll make sure na magiging madali para sa kaniya na tanggaping kayo ang ikakasal. We'll explain everything to her." sabi niya sa akin.

Napatango ako. "Thanks, Mr. Castros."

Napangisi ito. "Your child is too formal, nakakatanda." sabi niya sa parents ko. "You can call me tito for now since ikaw naman na ang magiging anak ko soon."

Napakurap ako nang marinig iyon. Talaga?

"Hijo, hindi lingid sa kaalaman ko ang mga ginawa mo sa anak ko. Lahat 'yon gusto kong sisihin kung bakit lumala ang sakit ni Aiziah." Shot! Sermon 'to! "Pero hindi rin lingid sa kaalaman ko kung gaano ka kagusto ng anak ko. Ramdam ko na kahit na pinapakita niyang galit siya sayo, sa loob niya ay gusto ka niyang mayakap lalo na't alam niyang malaya ka nang piliin siya."

I stayed staring at the man in front of me. Sa dami niyang sinabi, hindi ko alam kung saan ako mag-rereact. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko. Ganito ba ang feeling na unti-unti ko na talagang nakakuha ang babaeng mahal ko?

Too young to think but I really wanna get married with the girl I love the most.

"Pumayag ako sa deal, sayo sasaya ang anak kong 'yon e. All I really want for her is to be happy despite all the hardness she's always facing." a loving father said.

I'm speechless. Naluha na lang ako dahil sa mga naririnig ko.

"Owimji bro! You're crying! Too childish!" pang-aasar ni ate Ressa. Nakisabay pa sina Kuya at Ate Maize sa kaniya. Nakaramdam tuloy ako nang hiya.

Nagpatuloy sila sa kwentuhan. Nagbibigayan ng mga suhestiyon para sa magiging kasal daw kahit matagal pa naman. Hindi ko pa nga siya girlfriend dahil may tampo pa rin sa akin ang tao. Masyado silang advance.

Nahinto sila nang naghihingalong bumalik si Klaiden sa table namin.

"Nakalayo kaagad siya, I can't find her."

"WHAT THE!?/ANO!?" sabay-sabay na reaksyon nila.

Hindi ko na sila naintindihan sa mga sinasabi nila at nagmadali akong lumabas ng restaurant. Tinawag pa nila ako pero hindi na rin ako lumingon. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Lumiko na lang ako sa isang kanto para doon maghanap.

Shet! Saan ka ba nagpunta, Aiziah?

Naghanap ako sa kung saan, sa mga maliliit na kainan, sa bawat sulok, sa mga bahay-bahay o maging sa punong nadaraanan ko. Baka kasi nandoon siya, wala akong alam na lugar kung saan siya pwedeng magpunta.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now