WAITING 40: Restarting

4 0 0
                                    


//RENZ's POINT OF VIEW//

It's been a day ago pero hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula.

Iniisip ko, kung hihingi ako ng tulong kay Kuya at Ate, tutulungan ba nila ako? Makakaya ko na kayang suwayin sina mama? Maatim ko kayang saktan si Clarisse? Hindi ko ba pagsisisihan itong gagawin ko.

Palagi akong nagcoconclude ng sagot sa utak ko. Palagi akong lutang, at naiinis na ang mga kaibigan ko sa akin.

Kailangan kong maging wais dito. Hindi naman yata pagpapakaselfish ang gagawin ko, hindi ba? All I want is to be happy.

Nagdadalawang-isip akong katukin ang pinto ng kwarto ni Kuya Reyver. Baka kasi nagpapahinga na siya or maistorbo ko siya sa ginagawa niya. I know he's so tired in work plus assisting his band.

"Kahit sandaliiiiii, palayain ang pusong di mapigillllll. Sabay---Oh hi kapatid! Kanina ka pa ba diyan?"

Bahagya akong napalundag nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto ni Kuya. Kaagad akong umiling, kahit halos isang oras na akong nakatayo dito sa harap ng pinto niya.

"May kailangan ka ba? How may I help you?" he asked. 

"I n-need someone to talk to..." mahina kong sabi.

Napangiti siya. "Ay sakto! Kukuha ako nang papakin! Teka! Sige pasok ka na tapos set mo na ang tv at pili ka na ng gusto mong panoorin." Tumakbo na siya papuntang kusina at iniwan ako.

'Hyper haist.'

Umiiling-iling akong pumasok sa kwarto niyang malaki-laki kaysa sa kwarto ko. Black paint, lahat-lahat, itim. May lights lang na naging dahilan para magkakulay ang room niya. Malaki ang kama tapos may walk-in closet pa. One of his hardwork ito.

Sinaksak ko muna ang flatscreen television sa room niya bago sumalampak sa kama at mamili ng movie. Hindi ko naman talaga gustong manood dahil gusto ko lang siyang makausap pero mukhang ayos na rin ito.

Maya-maya lang ay nasa room na si Kuya. May dalang isang boteng coke tapos dalawang bowl ng chips. Inilabag niya sa kama niya iyon saka sumalampak din. Nagsimula kaming panoorin ang movie.

Pero hindi ako makacontrate.

I am starting to plan things. Mula sa umpisa, babaguhin ko. Kung anong kaya kong gawin, gagawin ko na matapang. I want things to be slowly take as long as I am sure that it will be successful. Yung walang nasasaktan.

"Spit it out, bro."

I sigh.

"Anong gusto mong pag-usapan?" he asked while his eyes is on the screen.

"Kuya, I-I want to be free."

Napalingon si Kuya sa akin. "Maglalayas ka?"

"P-parang ganon na nga," I answered. "Kasi kapag ginawa ko yung mga plano ko, mapapalayas ako dito and wala akong matutuluyan." I pout.

"Plano? Architect ka?"

I rolled my eyes. "Hindi!" Kumuha ako ng chips at sinubo iyon. "Ang ibig kong sabihin ng I want to be free is, gusto ko maging malaya na piliin ang taong gusto ko. Gusto ko maging masaya at ang pagpili sa kaniya ang makapagpapasaya sa akin."

"Agad-agad? Sinabi ko naman sayo, di ba? You and Clarisse are still young to get married. Wag mo munang seryusuhin ang pagpapakasal na sinasabi nila kasi maaari pa 'yong mabago." sabi niya. "Alam mo naman na kapag sinuway mo sila, kahit nagpapakatotoo ka lang at gusto mo lang sumaya, magiging masama pa rin ang tingin nila sayo."

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now