WAITING 39: Truth

5 0 0
                                    


//RENZ's POINT OF VIEW//

Saturday...

Naging masaya ang event kagabi. Lahat ng tao, nag-enjoy. Merong umiyak, natawa, kinilig at kung ano-ano pa. May magiging awarding din ngayon para sa mga nanalo at may pa-surprise price pa. Naeexcite tuloy ang marami.

Pero, ang hindi ko maintindihan, pagkatapos kumanta nila Jad at Aiziah, hindi na nagpakita sa amin si Aiziah. We keep on asking Jad at baka may sinabi sa kaniya si Aiziah pero wala daw. Tinanong rin namin sina Daryl at Jhenky na siyang huli ring nakasama ni Aiziah pero wala rin daw itong nasabi na kahit ano. And lastly, nagbalak kaming magtanong kay Ate Maize pero kahit ito'y wala rin.

Hindi namin pinansin iyon dahil baka kailangan lang talaga magpahinga ni Aiziah dahil kakagaling lang nito sa sakit.

Pero ngayong ala-3 ng hapon at awarding na, hindi nagparamdam. Oo, kahit sabado ay nag-awarding ngayon dahil may event sa lunes na konektado dito. They tried to ask Ate Maize pero panay daw ang iwas nito sa kanila. I guest, she still blaming us.

"Wala nga siyang sinabi sa akin. Ulit-ulit kayo ah!" medyo iritadong sagot ni Jad. "After naming bumaba sa stage, nagpaalam lang siyang babalik sa room pero hindi ko naman alam na di na pala niya tatapusin ang event." paliwanag niya.

Napatango na lang kami.

"Eh sainyo, Dar? Sie? Wala bang nasabi si Aiziah or Ate Maize? Something happened ba?" aligagang tanong ng pinsan ko.

They both shook their heads.

"Kainis! Talagang hindi na magpapakita sa atin 'yon. Hindi niya tuloy ako napanood! Nakakainis talaga!" anytime, magwawala na ang isang ito.

Sino pa nga ba?

"Ang sama daw kasi kung makikita pa niya 'yang pagmumukha mo." pang-aasar ni Jad kay Vince.

"Ang gwapo ko kaya. At kapag nakita niya ako, gagaling kaagad siya."

"Baka lalo siyang lumala!"

Nagtawanan sila.

Okay lang, at mabuti na ring wala muna si Aiziah kung nasaan man siya kasi hindi talaga ako makakapag-concentrate sa pagbabagong gagawin ko kapag makita ko siya.

Ano nga ba ang sinasabi kong pagbabago?

Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko din alam kung paano ko gagawin ang mga sinasabi kong pagbabago.

Ang tapang kong magsabi pero alam ko naman hindi ko kayang mag-isa ito.

"Winning first place in the solo singing contest goes to..." pagpapabitin ni Miss Ariela sa pag-aanunsiyo ng mananalo.

"MIKKA!!"

"CRISTIA!!"

"Mikka  Ellaine Claridad who sang the Terrified by KatharineMcPhee! Please claim your price here in stage." she announced.

Nagtatalon ang mga grade 10 dahil sa tuwa at nakipag-appear pa sa tuwang-tuwa na si Mikka. Abot tainga ang ngiti nito, parang may naalala na naman siyang nakakakilig.

"Pano naman kasi, nanood ang inspiration kahapon kaya nanalo!" Jhenky tease her.

Namula naman si Mikka at dali-daling umakyat ng stage. Nakipagkamay siya kay Ma'am Ella at may inabot itong isang sobre dito. Mikka bowed her head as respect bago bumaba ulit sa stage at patakbong lumapit sa amin.

"I win guys! I win!" paulit-ulit niyang sabi habang pinapakita niya sa amin ang sobre.

"Check mo na kung anong laman!" Jessica said to her.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now