WAITING 42: The Pain

5 0 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

Totoo nga ang kasabihan, Life is too short.

Dapat sa bawat araw na inilalagi mo sa mundo, masaya ka. Sa bawat ginagawa mo, dapat palaging makakatulong sa ibang tao. Araw-araw, dapat wala kang pinagsisisihan. Lahat gagawin mo para sumaya.

Isang buhay lang meron ang isang tao. Pwera na lang kung mabibiyayaan ka ng pangalawa at pangatlo pang pagkakataon para buhay. Pero hindi naman lahat maswerte kaya dapat palaging papahalagahan ang buhay. Dahil kahit anong araw, pwede itong bawiin sa iyo.

Kaya ngayon, naglilista ako ng mga gusto kong gawin sa mga susunod na araw. Mahirap maglista, para ko na nga ring pinapatay ang sarili ko sa paggawa nito e. Hindi ko na naman maiwasang pumatak ang luha mula sa mata ko.

Bakit ako pa? Ang sama-sama ko bang tao para hindi na mabuhay ng matagal? Ano bang nagawa ko para maranasan ang mga ito? Ang unfair naman!

"Ano pa ba?" tanong ko sa sarili ko habang nakaupo sa study area. Umakto pa ako na parang nag-iisip pero nabablangko talaga ang utak ko.

Naisulat ko nang sasali ako sa isang singing contest, bubuo ng kanta, magiging first honor sa klase, kakantahan ang family and friends, foodtrip, jamming with my family and bestfriends, ect.

Pinunit ko lang ulit ang listahang iyon.

Bakit ko ba kasi pinapahirapan ang sarili ko sa pagsusulat ng mga ito? Sinasaktan ko lamang ang sarili ko e. Until now, hindi ko pa rin matanggap ang bagay na mahirap nga namang tanggapin.

"Ziah? Ziah?"

Napatayo ako nang marinig ang tawag na iyon mula sa labas ng kwarto. Kaagad kong binuksan ang pinto ng kwarto at bumungad ang nakasimangot na lalaki sa harapan ko. 

"Ito na ang pinapabili mong ang hirap-hirap hanapin! Ang layo pa ng tindihan dito." reklamo nito at binalandra ang isang supot sa mukha ko.

Lumawak ang ngiti ko at hinablot ang supot mula sa kaniya sabay pasok sa kwarto.

"Wala man lang pasalamat? Nako ah."

Sumunod siya sa akin papasok sa kwarto. Naupo ako ulit sa study area at binuksan ang supot. Laman nito ang royal, fudgee at mansanas na mga paborito kong kainin.

Nilingon ko siya. "Thank you, Klai!"

"Ayoko sabi sa ganyang tawag e! Klaiden na lang para happy."

"Ang haba, tsk."

Sinumulan kong kainin ang binili niya.

"Ang haba ka diyan? Raine! Two syllables lang pangalan ko hoy!" aniya.

"Nananadya ka rin e no? Aiziah, not Raine." madiin na sabi ko sa kaniya habang puno ang bibig.

"Raine, Ulan or what so ever, pangalan mo pa rin 'yon." Feeling ko ay naiirita na siya. "Klaiden, not Klai. Be fair if you don't want me to call you in your second name, Raine. Oh baka naman gusto mo honey na lang tawag ko sayo. What do you think?"

Nilingon ko siya saktong kinindatan niya ako. Kung masayang ako sa pagkain, dinura ko na sa kaniya itong nasa bibig ko kaso hindi.

Ew siya!

I sneer at him and continue eating. Hindi ko na siya pinansin.

"Uy ano 'yan ha!?"

Kunot-noo ko siyang nilingon pero nasa likuran ko na pala siya. Grave namang bilis nito.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now