EPILOGUE

7 2 0
                                    


(NOW PLAYING: Only Reminds Me Of You)
If you guys want, listen to this song while reading this, or any other sad song that will suit in this part.




She was the one who started the story.

And I will be the one to end what she started.




□□□|□□□




"Kiddos!"



Tumakbo palapit sa akin ang dalawang bata. Niyakap ako kaagad nito at pareho pang humalik sa pisngi ko. Napangiti naman ako kaagad doon.



"Let's fix yourself na," I said to them. Inunahan nila ako sa kwarto nila.


Binihisan ko lang naman sila ng pang-alis. Nakaligo na kasi sila kanina pa, pinaliguan ng mama nila pero hindi pa binihisan kasi daw baka maglaro pa at madumihan. Ako pa ang inutusang magbihis sa mga ito. Wala namang kaso, ang cute kasi nila.


Nang makabihis na sila ay ako naman ang nag-ayos ng sarili ko. May mahalagang okasyon ngayon na dapat daluhan kasi kung hindi ay masasapak ako. Binilisan ko na nga rin magbihis dahil malelate na kami.


"Where's your mom?" Rinig ko ang pagtanong ni Kuya sa mga anak niya pagkababa ko.


Hindi sumagot ang bata na naglalaro lang sa phone niya, yung isa naman ay abala sa pagtatali ng buhok nong doll niya.



"I'm asking you, Asiahna Marie, Reno." medyo irita nang tanong ni Kuya sa mga ito habang inaayos ang neck tie niya.



Pero hindi pa rin siya sinagot ng mga anak niya. Nilapag ko ang jacket ko sa couch bago hinarap si Kuya.



"Insane, your wife is just in her room fixing her self." ako na ang sumagot. "Wag mo namang idamay sa init ng ulo mo yang mga anak mo." natatawa kong sabi habang kalong na ang babae niyang anak.


Bale, dalawa na ang anak ni Kuya Reyver, babae at lalaki na di nagkakalayo ng edad. Sipag gumawa no? Charot!


"Eh paanong hindi iinit ang ulo ko e ang kalat lagi sa mga kwarto niyang dalawang 'yan!" reklamo niya sa akin.



"Edi sana hinayaan mo na lang akong ampunin ang isa sa kanila edi wala kang problema."


Sumama ang tingin niya sa akin. "Magtigil ka ha. Anak ko pa rin yan."


"Yun na nga, kaso reklamador mo naman. Ang dali lang naman mag-alaga ng anak ah! Edi kung ganyan lang din, di ka na lang sana nag-anak." dagdag ko pa.


Lumakad siya palapit sa anak niyang lalaki at pinatayo na ito. "Palibhasa wala ka namang anak kaya mo nasasabi 'yan! Hindi madaling magpalaki ng anak." aniya na naman.



I just smiled to what he said. Palagi ko na yan naririnig sa kaniya.



"Maghanap ka na kasi ng mapapangasawa mo--- ay sorry, siya nga lang pala ang gusto mo."



He knows me well. 'Yon talaga ang isasagot ko sa kaniya. Palagi niyang nabibring-up ang topic na 'yon pero siya lang din naman ang sumasagot.



Umalis na kami nang bumaba na mula sa kwarto niya ang asawa ni Kuya. Hinayaan na ni Kuya na dito sa sasakyan ko sumakay si Asiahna. Tuwang-tuwa naman ang bata na sumama sa akin. Sa dalawang anak niya, itong batang ito ang malapit sa akin. Lagi nga itong naiiwan sa bahay tuwing may lakad ang parents niya na kasama naman yung brother niya.



The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now