WAITING 17(Part 2): Birthday Surprises

5 1 0
                                    


//RENZ's POINT OF VIEW//

"Students."

Biglang sumulpot si Miss Ariela, music teacher ito dito sa campus. Sa kaniya kami nag-paalam na gagamitin namin ang music room ngayong araw.

Nilapitan ni Jessica si Ma'am. "Bakit po, Ma'am?" tanong niya dito.

"I just wanna remind all of you to attend in your class on time. Ako ang mapapagalitan kapag na-late kayo sa klase niyo." sabi nito sa amin.

We all nod to her.

"Yes, Ma'am Ella. Ako pong bahala." sagot ni Jessica.

"Okay. Iyon lang. Continue what you all doing. Happy Birthday, Ms. Castros." bati ni Ma'am kay Ziah.

"Thank you, Ma'am Ella." masiglang sagot naman ni Aiziah. Umalis na si Ma'am sa pinto ng music room.

Nilibang ng iba naming kaibigan ang kanilang sarili. Umiiwas sila sa kaninang makahulugang tingin ni Aiziah sa amin. Nabasa na niya kasi 'yong isang mysterious message na iisa lang ang nakakaalam kung sinong nagsulat, maliban syempre doon sa mismong nagsulat.

"So Kimmy, sinong nakita mong nagsulat nong message?" pagtatanong ni Ziah kay Kimmy.

"A-ahh w-wala, may sinabi ba ako?" iwas-tinging sagot ni Kimmy.

"Meron." mariing sabi ni Aiziah.

'Gustong-gusto malaman kung sino yung secret admirer niya. Tsk.'

"A-ano ha wala 'yon. Sabi ko kanina, I saw you c-crying. Tama! Oo! Nakita kitang umiiyak kanina habang nagbabasa ng mga messages namin. Nakakatouch di ba?" Sinubukang ibahin ni Kimmy ang usapan.

"Ahh."

"Pero 'yong sumulat, Ziah. He's one of your friend. Sino kaya sa limang nandito?" intriga ni Jhenky.

"Oum, di ba kayo-kayo lang gumawa nito?" tanong niya. Umupo siya sa isang mono block chair.

"Hindi." sabat ko sa usapan. Napatingin sila sa akin kaya tinuloy ko ang pagsasalita. "Some of our batchmates also give their letters for you. Kaya yung ibang messages diyan ay galing sa kanila. I just don't remember who gives me that no name letter." paliwanag ko.

"Nakaka-curious naman."

"Owimjii bebs!! May secret admirer ka na!" hiyaw ni Charrie.

Napansin ko ang pagiging seryoso ng mga tingin ni Vince, ganon rin ni Jad. Affected kaya sila sa no name message na iyon? Kasi bukod sa akin ay sila yung alam ko na may gusto kay Aiziah.

"Imposible namang sina Daryl, Renz at Jed kasi may mga girlfriend naman yan." ani Mekayla.

Sumang-ayon kami.

"Baka ikaw, Jad." tapik ni Jhenky kay Jad. "Alam mo kasi, pwede namang umamin harap-harap kay Ziah. Single naman siya at sabi mo rin na alam mong---"

"Hoy pinagsasabi mo?" saway ni Jad dito.

"Hindi ba ikaw? Torpe ka pa naman. Pwedeng ikaw 'yon."

"Ayta, hindi nga kasi ako. Umamin na ako di ba?"

"At rejected ka!" pang-aasar ni Jhenky. Nagsimulang mag-asaran ang dalawa.

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now