WAITING 4: False Accusation

9 3 0
                                    


//AIZIAH's POINT OF VIEW//

"You're nothing compare to her."

"You're nothing compare to her."

"You're nothing compare to her."

"You're nothing compare to her."

Damn those words!!!

Paulit-ulit na lang pumapasok sa isip ko ang mga salitang sinabi niya sa akin. I can't even focus on my class dahil alam ko na nasa paligid ko lang siya. Diretso lang ang mga tingin ko sa board ngunit parang wala rin lang akong naririnig kundi ang mga salitang iyon.

Masakit pala masampal no? Unang beses kong masampal at ganon pa kalakas. Mahapdi pa nga medyo yung pisngi ko e. Nilagyan ko na ito ng yelo kanina at baka mawala na rin.

Pero mas masakit ang mapagbintangan sa bagay na hindi ko naman ginawa. Hirap alisin sa isip yung mga sinabi niya sa akin. Ang sakit....ang sakit, unang beses niya akong murahin at sigawan at hindi ko matanggap, ang hirap e. Ang hirap tanggapin na nagawa niya iyon sa akin ng walang basehan.

I talked to no one. Nakakainis kasi at pinatawag pa ako ni Sir JP kina Jessica kaya nasa room ako ngayon. Ganda-ganda na ng pakiramdam ko sa music room e kahit na subrang hiningal ako papaakyat doon. Pati pagbalik sa room ay hiningal pa din ako. Useless ang pagpasok ko dahil walang lesson ang pumasok sa utak ko.

"Class, dismiss. Prepare for the short test tomorrow before we start with another lesson." Teacher JP said before he pack his things and leave our room.

Wanna know what happen earlier? Haistt.

FLASHBACK

"Vince?" tawag ko sa kanya ng pabalik na kami ng room. Nguya parin siya nang nguya kaya hindi makasagot sa akin. "Okay na kaya sila ni Daryl no?"

Tumango lang siya. Akala ko ay di na sasagot kasi mababatukan mo na siya. Kanina pa kaya ako salita ng salita dito tapos wala akong natatanggap na sagot mula sa kanya.

"Hayaan mo na sila. Ayos na sila for sure kaya wag kana mag-alala." sabi niya nang malunok ang kinakain.

"Okay...."

Hindi na lang ako nagsalita dahil ayaw ko na siyang abalahin pa sa pagkain niya. Ang katakawan talaga nito, walang pinipiling sitwasyon. Kanina pa yan kain ng kain, naglalakad pa lang kami papuntang dangwa, binigyan ko na yan. Di pa rin busog.

"Aiziah! Aiziah!!"

Nagulat ako nang makita si Cassie na hingal at tumatakbo papunta sa amin. Papalapit pa lang kami sa building ng grade 10 pero ayan siya at tumatakbo papalapit sa amin. Tumigil siya sa harap ko.

"Hinga ka muna." sabi ko.

Ginawa niyang tukod ang magkabila niyang tuhod at huminga nang huminga. Inalalayan siya ni Vince hanggang sa makahinga na ito ng maluwag bago niya itayo.

"Bakit ka ba kasi nagtatakbo?" nag-aalalang tanong ni Vince dito.

"May s-sasabihin ako sayo, Ziah." medyo hingal pang sagot ni Cassie.

"Ano yun? Nakakakaba ka naman. Tara muna sa room---"

"No, you need to know this before you enter our room! Renz is finding you with his mad expression!"

The Essence Of Waiting (SQUAD: Renz&Aiziah)Where stories live. Discover now